Induced Labor

Share ko lang naging experience ko nung nanganak ako. ☺️ Nov 19 2020 edd via LMP ko since sa lying in lang ako nanganak ang pina follow nila ay LMP. Pero nanganak ako Nov 24, 2020 normal delivery naman pero na induce ako. Oct 31 1cm na ako and open cervix na. naglakad na ko nito, nag squat nag start na din ako uminom ng pineapple etc. Nov 3 stock pa din ako ng 1cm nov 11 stock pa din Nov 17 1cm pa din take note NO SIGN OF LABOR, NO PAIN AND NO DISCHARGE. lahat na ata ng way nagawa ko na. since malapit na due ko no sign of labor pa din sabi ng OB ko need ko mag pa uts ulit para malaman kung okay pa si baby, panubigan at ang timbang ni baby. Then okay naman lahat normal naman lahat. pero si baby 3.2kls na kaya binigyan ako ng option ng ob ko bumalik kami nung nov 19. wala pa din 1cm pa din kaya binigyan ako ng 2 options ng OB ko. una - pwede pa kami mag wait ng 7 days kasi normal pa naman lahat pero since si baby ay 3.2kls na may tendency pa na mag gain pa si baby kaya baka ma cs kung lalaki siya ng lalaki then baka maka pupu na. pangalawa - pwede na ako mag pa induce anytime. pero sabi sakin mas masakit siya kesa normal delivery. so medyo nashokot ako since first time mom ako. Nag usap kami ng partner ko then napagkasunduan namin to wait another 2 days so dumaan ang 20 21 wala pa din. So desperada na ako kasi baka makatae na si baby, yung ibang ka momies ko nag take ng castor oil para mag labor nag paalam ako sa ob ko then sabi niya pwede naman pero mag tatae daw ako nun. so 22 ng madaling araw nag take ako non. kaso sadly nagtae lang ako no pain pa din kayan nag decide na kami na mag pa admit at mag pa induce. 22 ng hapon na admit ako, nilagyan ako ng dextrose na may pampahilab may tinurok sa dextrose then every after 3hrs nag iinsert ng primrose sa t**t ko. Ang sakit ng IE diyan ako halos sumuko imagine every after 3hrs. Then nag 2cm na nung hapon nag 4cm na nung 9pm but sadly na stock na naman ako sa 4cm until morning, imagine pawala wala ang hilab di nadiretso, nung 23 ng umaga pinatanggal muna dextrose ko na may pampahilab at pinalitan ng regular, di na muna ako ininsertan ng primrose wala muna tinurok until 1pm then 2pm ayun balik na ulit sa process 6pm nag 6cm na 9pm nag 7cm na pawala wala pa din ang pain niyan then mga 11pm pinaputok na nila panubigan ko dun ako nakaramdam ng sobrang sakit na. Nov 24 mga 1am pinasok na ako delivery room kasi 8cm na. 5:25am babys out na. finally nakaraos na at awa ng Diyos na normal ko. buti na lang di mukang pera ang OB ko at tyinaga nya ako. ang pinag tataka ko ano kaya reason bakit di nag lalabor no? bakit pawala wala yung pain. kasi kung di pa din ako nanganak ng 24 ics na ako since 22 pa ako na admit ma sstress na si baby. pero buti na lang eri at mag 3mos na si baby sa 24. ☺️#1stimemom

Induced Labor
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

buti ok si baby! baka mataas ang pain tolerance mo kaya hindi mo masyado nararamdaman ang paghilab