relasyon

Paano nyo po masasabi na matibay ang relasyon nyo mga momsh sa hubby nyo? Ako kasi feeling ko anytime maghihiwalay na kami ni hubby dahil sa daming problema. Family nya financial,time at effort Family po sa side lang naman nya may problema kasi hindi naman nangengealam side ko as long as hindi ako nahihingi ng tulong. Sa side nya dami toxic nilayuan mo na hindi ka parin tinatantanan. Financial hirap mga momsh ng sila lang kumikita ng pera akala nila napakadaling maging full time housewife. Wala po kasi mag aalaga kay lo. Time. Haist pag galing work ni hindi man makipag kwentuhan or makipag laro kay lo. Gusto pag uwe 2log nalang gigising nalang kakain tulog ulit. Kahit rest day wala din. Parang hindi kami magkakakilala sa bahay effort wala po stmyang ka effort effort .kahit man lang kuhanan ka ng tubig wala po. Kapag inutusan mo galit pa Kapag gising naman sya naglalaro lang ng games sa cp nya

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

I tried different approaches sa paghandle kay hubby. Una, cold treatment/pakiramdaman. Yung tipong di mo kikibuin, hahayaan mo lang siyang makaramdam kung okay ka lang ba o kung galit ka. Which is hindi okay dahil mas manhid pa sa aged nerve si hubby. Second, pinagsasabihan ko kapag galit ako. Hindi rin okay, kasi ang rehistro sa kanya binubungangaan ko siya. Third, inaaddress ko yung saloobin ko in a joking manner or ipapasaring ko sa kanya. Like sasabihin ko sa kanya, "kunwari si ganito" "sabi ni bibi sana raw ml na lang siya para tutok sa kanya si daddy". Di rin tumalab kasi tinetake niyang literal na "joke lang" or "kunwari lang" yung sinasabi ko. Fourth, nilayasan at nagburst out na lang ako. Dito natauhan si hubby lalo dalawang beses ko siya nilayasan. Yung unang beses nung binibiro biro ko siya na uuwi na lang ako samin kasi di naman niya ako inaaalagaan (preggy pa lang ako nun). Itong pangalawa yung grabe na talaga. Sa chat ko lang siya kinakausap kasi kapag pinupuntahan niya ko sa bahay ng mama ko, hindi ako nagsasalita tsaka kapag tumatawag siya hindi ko sinasagot. Ayoko kasing marinig nina mama na nag-aaway kami tsaka kapag nagsalita ako sa sobrang sama ng loob ko naiiyak ako. Ang mahirap kasi mamsh kapag hindi natin nasasabi yung saloobin natin sa kanila, feeling nila okay lang yung ginagawa nila sa atin. Communication is the key in any relationship. Communication doesn't mean na nag-usap lang kayo, kailangan nagkaintindihan at merong resolution both parties. Also, pray for each other at palagi niyong piliin ang isa't isa. Sabi nga sa kanta, pipiliin ka sa araw-araw. Kahit hindi siya kapili-pili at masarap nang sukuan, piliin mo pa rin siya. Once kasi na dumating sa point na hindi mo na siya pinili or hindi ka niya pinili, unti-onti nang guguho yung relasyon niyo. ☺️☺️☺️

Magbasa pa