Pakikisama

Share ko lang mga mommies, sino po dito sainyo nakatira sa mga byanan? Mahirap po ba makisama? Share ko po experience ko, sobrang bait ng mga byanan ko napaka swerte ko sakanila, di sila mahirap pakisamahan actually, meron lang talagan bida bida, yung tita ng asawa ko, daig pa byanan ko. First time mom po ako, so si tita po nag aalaga samin ng baby ko, sya po ang nag ga guide sakin pero ang dami nya napapansin, pure breastfeed po kasi baby ko madalas sya magtae and may lumalabas na pula pula sa muka nya na butlig, sinumbong nya sa mga byanan ko di ko daw pinapansin mga nangyayari sa baby ko which is di naman totoo, actually worried din po ako bakit madaming beses tumae baby ko at bakit may butlig sa muka. Sinulsulan ng tita mga byanan ko ipacheck up daw kasi di normal mga nangyayari kay baby. Pag dating namin sa pedia, sabi ni Doc pag breastfeeding ang baby expect daw na mas madami talaga tumae, at yung butlig sa muka is normal kasi singaw yun ng init. Sobrang hirap makisama sa tita nya, napaka daming napapansin kesyo di daw ako marunong mag alaga ng anak. Tapos yung mga gamit ng Little one ko, parents ko bumili. Pinaptapon nya lahat ng maliliit na, yung di na daw magagamit. Gusto ko na umuwi sa mga magulang ko mga mommy nahihirapan ako makisama. 😭😭😭#1stimemom #theasianparentph #firstbaby #breasfeedingmom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap naman talangan makisama sa kahit na kanino. Kaya nga mas ok na nakabukod, di bale na mastress at mapagod ka sa pag aasikaso kesa mastress ka sa ugali ng ibang tao kasi nakakaapekto siya sa mental health at sanity mo.