Matipid na asawa
Share ko lang mga mommies, ftm here 9weeks na. Nagp-plano kami ni hubby na magpakasal at magsama, wala namang kaso sa mga parents ko. Dito sa boarding house na nalipatan namin, wala akong papag, as in sahig lang na semento tapos banig at comforter lang ang higaan ko. Palagi kong nirereklamo sa kaniya na masakit sa likod at nagre-request ako ng papag.. pero ang ginawa niya, bumili lang ng linoleum. Sapat na raw 'yon ? siguro hindi niya maintindihan 'yung pinagdadaanan ng isang buntis kahit ilang beses kong ipaintindi sa kaniya na delikado para sa'min ni baby ang lamig. Mabuti na lang marunong gumawa ng papag ang Papa ko kaya siya na lang ang mag-aassemble.. hindi ko lang maiwasan na magtampo sa father ng baby ko, hindi ko alam kung tinitipid niya ba kami dahil sa upcoming wedding or what