Share ko lang mga mommies, or baka meron din sainyo nakaexperience ng ganito sa mga baby nyo.
Napansin ko kasi 3 days straight gumigising sya ng madaling araw or mga 10-11pm uupo at maghahanap ng tubig. Gusto nya pa malamig. Minsan nagugulat ako sakanya kasi ginigising pa ako para bigyan sya ng tubig tapos pag nakainom na sya hihiga na ulit sya at matutulog. Ang cute lang din tignan pero nagtataka lang ako kasi ayaw nya ng normal temp na tubig gusto nya talaga ung malamig, tinatabig nya pag hindi malamig or iiyak lang sya ng malakas.
Ang nakakatawa na part pag naubos na yung laman at gusto nya pa, kukuha si Daddy nya sa baba ayun iiyak sya natataranta tuloy ang Daddy nya ?