My Experience ❤

Share ko lang mga mamsh ung experience ko habang nag le-labor ako sa first baby ko. Sobrang hirap at sakit ung naramdaman at naranasan ko. Totoo pala un, pag nauna ung dugo kesa sa tubig sobrang sakit at ang hirap. Halos 3 days ako nag labor, sobrang sakit as in. Un na ung pinaka masakit na naramdaman ko sa buong buhay ko. Kung ipapaulit lang sakit ulit ung mga ngyari di ko alam pano ko nakayanan. Biruin mo nag punta kami sa Lying in kasi feeling ko talaga manganganak na ko sa sobrang sakit, mga bandang 10am un. Pag dating dun I.E. so 2cm palang pero iba ung sakit talaga tapos maya maya bigla na kong nilabasan ng dugo parang sa menstruation ko. Ok lang naman daw un, sobra na sakit ung tipong namimilipit na ko sa sakit then I.E. ulit biglang nag 1cm ulit so wala pa daw pero tumitindi ung sakit. Then after 3hrs I.E. ulit nag 3cm so may improvement. Then after an hour I.E. ulit nag balik ng 1cm pabalik balik sya sa 1cm tapos sabi sobrang liit daw ng sipit sipitan ko kaya ayaw bumaba ni baby. Need daw i-C.S . Then sabi pa kung ayaw naman namin ng C.S. kasi nga sabi ng mama ko baka kaya naman kasi first baby saka mahirap daw pag C.S. so after nun pinauwi mna kami kasi mukang matagal pa naman. So uwi kami. Pag uwi namin ng bahay sobrang sakit na talaga as in masakit talaga ng bongga ung tipong every minute mas nadadalas ung sakit at mas tumitindi. So napag isipan ni mama dalhin nalang ako sa hospital (BMC) so ayun pag dating ng ambulance diretso na sa BMC. (mga taga Bulacan alam nyo naman galawan sa BMC hahaha) so ayun di agad maasikaso sa dami ng mga manganganak. So deadma mna sila sakin kahit sobrang sakit na. Inabot kami ng 3days sa labor ko palang ika December 18 ng patanghali mga bandang 10-11am di ko na talaga kaya ung sakit as in umiiyak na ko ng bongga sa mama ko, tapos nakikita na nya namumutla na ko ng sobra. Tapos iba na talaga pakiramdam ko mas lumalakas pa ung dugong lumalabas sakin as sobra sobrang sakit na talaga nararamdaman ko manganganak na talaga ako. So si mama pinasok na ko sa loob ng panganakan. Tapos I.E. nag 5cm na tapos bigla nag high blood ako tapos iba na din pakiramdam ko parang kinakapos na ko ng hininga. Sobrang sama na talaga feeling ko any moment hihimatayin ko. Sa isip isip ko si Lord na bahala samin ni baby. Todo todo dasal ako kasi natatakot na din ako saka that time gusto ko na din mag pa-C.S. sa sakit pero di nila ko pinayagan mag C.S. kaya ko daw inormal kasi so go! Pinasok na ko dun sa room na puro nag lalabor jusmiyo! Pag pasok ko dun feeling ko mga baboy kami dun na manganganak. Saka natatakot ako nun kasi mag isa lang ako wala si mama sa tabi ko, saka maririnig mo may mga umuungol sa sakit ng pag lalabor so mga around 12nn na un sobra na sakit... Then around 1pm pinutok na nila panubigan ko, then pina iiri na ko hanggang sa lumabas si baby kaso wala padin after 1hr tinurukan na ko ng pampahilab lalo so sobrang sakit nanaman! Kakairi ko nga natatae na ko ng paunti unti tapos mga bandang 4pm tindi na ng sakit napapasigaw na ko sa sakit. Then pray lang ako ng pray nun! Then finally at 4:54pm naipanganak ko ng normal ung first baby ko. Ung malusog kong baby girl ☺❤ pagkakita ko sa kanya lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko biglang nawala. Wala na ko paki kahit tinatahi na ko o kung ano pa ginagawa nila down there ko haha basta ako di ko na inalis mata ko sa baby ko ❤ Thanks God talaga kasi sa laki din ng baby ko nainormal ko sya at sa lahat ng sakit na naramdaman at napag daanan ko nun sobrang sulit lalo na pag nakita at nahawakan mna ung baby mo. Kaya sobrang thank you talaga nairaos ko sya ng matiwasay ☺☺ Sobrang hirap manganak pero worth it talaga lahat ng un kapag nakita mna ung baby mo at narinig mna sya umiyak sa unang pag kakataon ☺ So please meet my Love, Bella Ashriel. (December 18, 2019❤)

82 Replies

magkaiba tayo mommy.. sakin nauna din dugo, though masakit oo, pero pkiramdam ko kasi that time e magkakamens lng ako kaya natotolerate ko yung pain.. naglabor ako ng isang buong araw ng kalahati ng araw na yun di ko alam naglilabor nako. di ko kasi sinsabi s mama ko, kasi nga di yun yung inaasahan kong skit.. nung di na nawawala yung pain saka lng ako ngsbi s mama ko tpos sbi nia nga naglilabor nako, sagot ko pa s knya, eto na yon? haha.. nagpnta ko ospital 7-8 cm nko... tpos sila nadin ngputok ng panubigan ko at nung naputok na yun yung pnakamasakit skin.. kasi kada hihilab tyan ko sobrang sakit tapos pinapaire na nila ko pra lumaki yung cm.. sa sobrang sakit tinatanong ko tlga sila asan naba aenesthesia, di ko na kaya..haha...ilalagay p pala yun pag fully dilated kna.. s sobrang sakit, ayoko n magbuntis ult. lol. anyway congrats mommy! 😊

same here mommy, 3days din ako nag labor tas puro dugo din muna sakin habang ina I. E pa ko dinudugo din ako. sobrang hirap. ung sakin 9 cm na malambot na cervix ko kaso dahil kada hilab sinasabayan ko ng ire kahit hindi pa sya 10 cm nung in I. E ulit ako 9cm parin tas tumigas daw cervix ko. dapat daw di ko pa sya iniire. gusto ko sumigaw nun ng i Cs nyo nalang ako

Same po tayo. Ako 2days naman ako. At dugo rin ang lumabas sa akin. Grabe sobrang sakit. Sa sobrang sakit 2days din akong walang tulog. Sobrang hirap at sakit. Pero sulit naman lahat pag labas ng baby boy ko. 💖

Ify momsh ..almost 3 days din ako labor pero dugo din lumabas sakin pero salamat lng di naman ako nag hoghblood ..worth it lahat ng sakit at hirap pag nalabas na c baby ..

same sis, pero ako 16hrs lang nag labor nakailang balik din kami sa lying in non pero laging 1cm pero talagang kumikirot na.. 5:45 pm baby out na :-))

Congrats mommy, pinahirapan ka ni baby maglabor. Hehe pero worth it namn mommy, tignan mo namn naakaganda at healthy. Congrats and God blesa baby!

Oo nga po e 😅 salamat God Bless po ❤

Wow congrats..hirap talaga manganak pru icipin ko nlang na kung nakaya nila cguro kaya korin.kaba na ako nextmonth na edd ko.first time dn

Kaya mo yan! Lakas mo lang loob mo tapos sabayan ng dasal ❤

Same tyo sis dugo din sa akin pero induce labor ako ng ob q 6hour lng ako pero super skit tlga...anyway congrats

Salamat ☺❤

ganda po ni baby niyo 😍 Godbless more po, Congratulations 😇❤️

VIP Member

Aaayyy. Grabe. Struggle is real talaga. Malapit na din ako. Waaaahhh!!! 😬😬

Kaya ko yan! Lakas ng loob lang at prayers ☺❤ God Bless !

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles