Sa Rah profile icon
BronzeBronze

Sa Rah, Philippines

Contributor

About Sa Rah

Excited to become a mum

My Orders
Posts(7)
Replies(19)
Articles(0)

My Experience ❤

Share ko lang mga mamsh ung experience ko habang nag le-labor ako sa first baby ko. Sobrang hirap at sakit ung naramdaman at naranasan ko. Totoo pala un, pag nauna ung dugo kesa sa tubig sobrang sakit at ang hirap. Halos 3 days ako nag labor, sobrang sakit as in. Un na ung pinaka masakit na naramdaman ko sa buong buhay ko. Kung ipapaulit lang sakit ulit ung mga ngyari di ko alam pano ko nakayanan. Biruin mo nag punta kami sa Lying in kasi feeling ko talaga manganganak na ko sa sobrang sakit, mga bandang 10am un. Pag dating dun I.E. so 2cm palang pero iba ung sakit talaga tapos maya maya bigla na kong nilabasan ng dugo parang sa menstruation ko. Ok lang naman daw un, sobra na sakit ung tipong namimilipit na ko sa sakit then I.E. ulit biglang nag 1cm ulit so wala pa daw pero tumitindi ung sakit. Then after 3hrs I.E. ulit nag 3cm so may improvement. Then after an hour I.E. ulit nag balik ng 1cm pabalik balik sya sa 1cm tapos sabi sobrang liit daw ng sipit sipitan ko kaya ayaw bumaba ni baby. Need daw i-C.S . Then sabi pa kung ayaw naman namin ng C.S. kasi nga sabi ng mama ko baka kaya naman kasi first baby saka mahirap daw pag C.S. so after nun pinauwi mna kami kasi mukang matagal pa naman. So uwi kami. Pag uwi namin ng bahay sobrang sakit na talaga as in masakit talaga ng bongga ung tipong every minute mas nadadalas ung sakit at mas tumitindi. So napag isipan ni mama dalhin nalang ako sa hospital (BMC) so ayun pag dating ng ambulance diretso na sa BMC. (mga taga Bulacan alam nyo naman galawan sa BMC hahaha) so ayun di agad maasikaso sa dami ng mga manganganak. So deadma mna sila sakin kahit sobrang sakit na. Inabot kami ng 3days sa labor ko palang ika December 18 ng patanghali mga bandang 10-11am di ko na talaga kaya ung sakit as in umiiyak na ko ng bongga sa mama ko, tapos nakikita na nya namumutla na ko ng sobra. Tapos iba na talaga pakiramdam ko mas lumalakas pa ung dugong lumalabas sakin as sobra sobrang sakit na talaga nararamdaman ko manganganak na talaga ako. So si mama pinasok na ko sa loob ng panganakan. Tapos I.E. nag 5cm na tapos bigla nag high blood ako tapos iba na din pakiramdam ko parang kinakapos na ko ng hininga. Sobrang sama na talaga feeling ko any moment hihimatayin ko. Sa isip isip ko si Lord na bahala samin ni baby. Todo todo dasal ako kasi natatakot na din ako saka that time gusto ko na din mag pa-C.S. sa sakit pero di nila ko pinayagan mag C.S. kaya ko daw inormal kasi so go! Pinasok na ko dun sa room na puro nag lalabor jusmiyo! Pag pasok ko dun feeling ko mga baboy kami dun na manganganak. Saka natatakot ako nun kasi mag isa lang ako wala si mama sa tabi ko, saka maririnig mo may mga umuungol sa sakit ng pag lalabor so mga around 12nn na un sobra na sakit... Then around 1pm pinutok na nila panubigan ko, then pina iiri na ko hanggang sa lumabas si baby kaso wala padin after 1hr tinurukan na ko ng pampahilab lalo so sobrang sakit nanaman! Kakairi ko nga natatae na ko ng paunti unti tapos mga bandang 4pm tindi na ng sakit napapasigaw na ko sa sakit. Then pray lang ako ng pray nun! Then finally at 4:54pm naipanganak ko ng normal ung first baby ko. Ung malusog kong baby girl ☺❤ pagkakita ko sa kanya lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko biglang nawala. Wala na ko paki kahit tinatahi na ko o kung ano pa ginagawa nila down there ko haha basta ako di ko na inalis mata ko sa baby ko ❤ Thanks God talaga kasi sa laki din ng baby ko nainormal ko sya at sa lahat ng sakit na naramdaman at napag daanan ko nun sobrang sulit lalo na pag nakita at nahawakan mna ung baby mo. Kaya sobrang thank you talaga nairaos ko sya ng matiwasay ☺☺ Sobrang hirap manganak pero worth it talaga lahat ng un kapag nakita mna ung baby mo at narinig mna sya umiyak sa unang pag kakataon ☺ So please meet my Love, Bella Ashriel. (December 18, 2019❤)

Read more
My Experience ❤
undefined profile icon
Write a reply