In-Laws

Share ko lang mga mamsh kase sobrang di ko na kaya sarilinin eh? Ang bigat sa dibdib,sobrang sakit? I am current 34 weeks and 5 days pregnant,nakatira kame ng partner ko sa side nya. Suddenly,yung ate nya (panganay) na may-ari ng bahay ay pinapaalis na kame sa bahay? I feel attack? Kung kelan malapit na ko manganak? Bakit?? Bakit ginaganito nila kame ngayon ng partner ko? Sobrang bigat mga sis sa dibdib ko?? Alam nilang sapat lang yung kinikita ng partner ko para pang-kain namin araw-araw eh,I even sacrificed my check ups wag lang kame mag-sort sa budget for the whole week kase mahirap magutuman ang buntis pero sila di man lang nila naisip yung kalagayan ko?? Ganito pala yun,pag di kayo tanggap ng pamilya nya?? Yung papa ng partner ko ayaw kame paalisin,pero ako gusto ko na umalis kase ayoko ng may marinig pa galing sa kanila?? Sobrang durog ako para samen ng anak ko?? Alam nilang bawal ma-stress yung buntis pero ginanito nila ko? Sobrang nakakasama ng loob? May nahanap na kame ng mauupahan pero wala kameng pera pang-down? Kung kani-kanino na kame lumapit para mangutang at makabuo ng pera pang-upa pero wala pa din?? We only have 3 days to move out? Di ko na alam iisipin ko?? Sobrang sama ng loob ko?? Mula pa nung lunes iyak ako ng iyak hanggang ngayon??? Nakakaramdam ako ng sakit ng tyan hanggang pempem pero kinakausap ko si baby na wag muna,na kaya namin to?Pero mamsh kahit anong motivation gawin ko sa sarili ko sobrang down pa rin ako kung saan kame makakakuha ng pera? Di ako lumalapit sa magulang ko kase wala din sila?? Naaawa ako sa amin ng partner ko at ng anak ko?? Grabe tong ginawa nila sa amin???

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

virtual hug sa iyo sis. malalagpasan nyo din yan. pray lang kay god. natry nyo na bang kausapin ate nya na maging considerate sa sitwasyon nyo? wala namang di maayos sa mabuting usapan.

6y ago

Sa partner ko,until now di nila tanggap yung ginawa ng kapatid nila (which is yung nabuntis ako).

Tapos kapag nilabas mo na si baby mga pakielamera at pakielamero sila😂, pag pinagdamot mo sasabihin pa nilang wala kang galang.. . ang gagaleng😂, akala mo madali magbuntis.

VIP Member

Mahirap nga sitwasyon nyo lalu na at buntis ka, mag doble ingat ka momsh pray at wag kana masyado magisip kase mabgat sa pakiramdam, malalampasan nyo po yan ng asawa mo,

VIP Member

kaya nyo yan. pagsubok po sa inyo yan. pakatatag lng. kpg nakapanganak kna dun nila maiisip ung mga pinaggagagawa nila. malalagpasan nyo rin po yan.

Kyanin mo mommy pra n rin sa dinadala mo.Matatpos din yan in due time bsta mgdasal k lang plagi at ingatan m din ang sarili mo 😊

Tatagan ang loob mommy. Wag ka papaapekto sa problems mo kasi may effect din kay baby yan.

VIP Member

Pray ka lang mamsh God will provide isipin mo baby mo di ka pwede magpatalo

Eh bakit nga ba kayo pinapalayas? 🤔

Bat di kayo umuwi sa pamilya mo muna?

Hindi ba kau pwede sa side mo sis.?