PROVIDER KOREAN BF

Share ko lang ‘to guys kasi hindi ko na alam ano ang gagawin ko. 2 years ago nag trabaho ako sa Casino sa Manila kilalang Casino, dealer ako doon for almost 1 year that time kami pa ng tatay ng anak ko 4 years na kami noon. Kaso nagkaroon kami ng problema kasi simula nag work ako ‘yung tatay ng anak ko naging tamad na as in super tamad! Ako lahat nag babayad. Kuryente, tubig, upa sa bahay, groceries at mga needs ni baby tapos may allowance pa sa akin ‘yung tatay ng anak ko kasi ayoko ma-feel niya na wala siyang sariling pera. Kaso lumala siya talangang ako lahat! Pati pag kilos sa bahay ako! Nag ML lang siya magdamag. Tipong pagod ka na sa trabaho pagod ka pa sa gawaing bahay! That time simula nagwork ako doon sa Casino may na-meet ako sa BGC na Korean nanliligaw siya sa akin. No’ng una nagbibigay lang siya ng foods gano’n so parang wala lang, hanggang sa nagpapadala na siya. No’ng una kami pa rin ng tatay ng anak ko that time pero nagkakalabuan na kami ang tagal ko rin hindi umuwi sa bahay, doon ako sa friend ko nag-stay umuuwi lang tuwing weekend. So ayun nagpapadala siya sa akin nakakatulong, tapos ‘yung tatay ng anak ko nahuli kong may babae! So parang nagkadahilan ako para iwan na siya. So iniwan ko siya kasi wala na ngang trabaho wala pang silbi sa bahay tapos mambababae pa! So sinagot ko si korean naging kami hanggang sa nag stop ako magwork, kaso si korean sobrang busy. Manager kasi siya daming work. Tapos umuuwi na siya sa pilipinas no’ng kami na. Kada 2-3 months. Okay naman siya matalino, provider at hinahayaan niya ako i-enjoy buhay ko kahit wala ako work binibigyan ako extra pera para sa sarili ko. Kaso itong si korean kapag nandito sa pinas laging lasing! As in sobrang lasing! Wala kaming bonding kasi parang wala siyang ibang ginawa kundi uminom! So binigyan ko siya ng ilang bwan para magbago napag usapan na naman namin ‘yung issue na ‘yun. Kaya umuwi siya last nito dine-date niya na ako gano’n. Pero alam mo ‘yun? May kulang! Kasi ‘yung tatay ng anak ko sobrang sweet nun before ako magkatrabo no’ng siya pa lahat nagpro-provide. Napaka maalaga pa! Which is hindi ko naranasan kay korean! So nakipag hiwalay ako kay korean nakipagbalikan ako sa tatay ng anak ko. Ngayon lahat ng sustento ko putol na. Wala akong work, tatay lang ng anak ko may work at nahihirapan kami sa gastusin kasi maliit sahod. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang ginawa ko! Kasi unlike dati meron pang sariling pang gastos anak ko, ngayon kapos na kapos. Tapos nagchat si ex korean sa akin ng I miss you pero ayaw na raw niya maging kami. Payo lang sana kung ano ba dapat gawin ko! Gulong-gulo na ako sa buhay ko. Ngayon kasi naiisip ko naman mag work na lang pauwiin na lang nanay ko! 😭 #JUST2SHARE #ansplease #answer #SingleLadies

4 Replies

ako iniwan ko father ng anak ko, kasi tamad. I worked as an entertainer sa Isang Japanese Bar. And yes hindi ko ikakahiya na doon ako kumuha ng pambuhay sa anak ko. Nasa sayo kung gusto mo makipag sex sa customer pero pinagbabawal talaga yung iba kasi pag nalaman na doon ka nag wowork mababa ang tingin sayo lalo na at walang alam sa kalakaran sa bar. Babae ang anak ko pareho and hindi ako gumagawa ng bagay na alam kong ikakahiya nila ako o ibaba ang sarili ko. Iniwan ko tatay nila kasi walang kusa, nabenta ko bahay ng parents ko na bigay nila sakin kasi walang work puro computer at iniaasa kami sa dota. ngayon masarap ang buhay ko, nakakilala ako ng isang lalaki na responsable at tanggap ang anak ko. Ibaba ang sobrang bagahe mo at makakahinga ka ng maluwag, Yang pagkakadapa mo gamitin mo para makabangon ka. Mag trabaho ka para sa inyo ng mga anak mo, Mas maganda na kayo nalang ng anak mo ang iisipin mo. May anak kana, kung papalarin ka malay mo maging kayo ulit ng koreano mo o kaya naman ay makatagpo ka ng mas higit pa. Mas masarap na ang iintindihin mo at iisipin mo ay kayong mag ina lang..

Oo.. Mas ok na mapagod ka sa anak mo hindi sasama ang loob mo. Wag ka matakot magbaba ng sobrang bigat na bagahe lalo na kung hindi mo na kaya dalhin. ingat kayo ng anak mo.. 🤗🤗🤗 kaya niyo yan.. May tatay man o wala ok lang yan..

Better to focus on yourself and make your kids your priorities, medyo hindi pa po kayo emotionally stable based on your kwento, take time and for sure true love will find you maam. God bless!

Ayan din po ang naisip ko. Sobrang gulong-gulo kasi po talaga ako, ang hirap ng ganito. 😭

Single nlng po muna pag isipan mabuti ang decision . Dasal kau kai God sa mga decision nyu, He will guide you.

better maging single mom nalang ako kaysa ganyan atleast focus lang ng isip ko yung anak ko

Thank you po sa advice.

Trending na Tanong