Walang pera/ipon pampa anak(wag na mag comment pag nega lang pls)
Hi Mommies, first time ko po as a mommy currently pregnant at 30 weeks and 6 days. Wala trabaho dahil tinaggal sa work dahil sa selan mag buntis. Ngayon dependent ako sa tatay ng anak ko. Kanina nag uusap kami, akala ko nag iipon siya para sa panganganak ko tapos wala pa pala nasisimulan. Even gamit ng baby namin wala pa kami nabibili buti nalang may nag abot ng hand me downs na damit. Normal lang ba makaramdam ka ng awa sa sarili mo kasi di ka na katulad ng dati na capable mag provide sa needs ko? At dahil dependent na ako sa tatay ng anak ko okay lang ba mag demand ako nahihiya kasi ako humingi sakanya lalo na siya na nag take over ng bills simula nag kasakit ako dahil sa pag bbuntis. May makukuha naman pong sss benefit kaso pag ka panganak pa. Meron po ba kayong suggestion na pde makatulong sakin para ma improve situation ko? Thank you po.#pleasehelp #firsttimemom #advicepls

Hindi lang siya Tatay ng Anak mo.. kundi partner mo din siya sa buhay.. katuwang mo sa pagbubuntis mo... kaya nga di ba Pag nag aanounce ng pregnancy ang lalaki "We're Pregnant" kasi babae lang nagdadala ng baby pero katuwang natin ang ating mga husband sa journey ng pagbubuntis natin.. kaya kung dumepende ka man at magdemand normal lang Yun nu.. minsan di naman alam ng lalaki mga needs e malay ba nila sa mga kelangan natin sa panganganak di ba? Saka mag start ka na mag ipon ikaw ang humawak ng pera kasi kaw ang manganganak saka di lang dun natatapos ang gastos.. mas magastos Pag andyan na si baby kaya dapat lagi ka may naitabi.. saka magdecide ka na mi saan abot kaya niyong panganganak mo ang importante naman e safe kayo ni baby ..wag ka masyado paka stress .. Kung wala ka pa nabibili masyado.. yung pang hospital bag dapat ang maihanda mo na pambalot ni baby onti barubaruan , lampin tulad ng Sabi mo may nagbigay naman sa Inyo.. mga diapers, wetwipes, baby wash, cotton balls, alcohol at mga essentials mo din prep mo bago ka manganak..
Magbasa paSame tayo mami ko 🥺 pero may mga gamit na si baby ko , 32weeks na ako now & sadly wala din ipon partner ko kahit 20pesos 🥺 May pera kso sa pang araw-araw lang namin and sa needs ko like medicine & milk (minsan) May nakuha akong pera sa school namin which is yung unifast pero syempre bago ko ibulsa nagbayad na ako pangtuition para tuloy tuloy pa din ang schooling ko 👍🏻 Nasa-sad ako ksi paano nalang malapit na ako manganak buy january 🥹 May inaasahan syang loan eh paano kung matagal pa maprocess ksi pera ng gobyerno yun , May philhealth naman ako kso hndi naman nahuhulugan 😭 Same tayo na nahihiya humingi ng pera sa partner ksi wala nga naman maprovide 🥺 pero binibigyan naman ako pangfoods ko ganun , pero minsan din nakakahingi ako pagmay package basta kay baby no problem naman daw 👍🏻 Kaya pagkapanganak ko baka magwork ako pahinga lang ng ilang months bsta atlis may sarili akong pera hndi pana’y asa sa kanya kailangan din tumayo sa sarili nating paa .
Magbasa pasame Tau my. never akong nag demand sa husband ko. nahihiya Ako Kasi pera Niya Yun feeling ko Wala akong karapatan sa pera Niya. ni Hindi nga Siya nag ipon Hanggang sa nanganak Ako nung Oct. 24 tiniis ko sa public hospital manganak . simula labor hanggang sa manganak ,Ako lang mag isa kc bawal watcher eh nakakasama Ng loob Kasi maraming pera dumaan sa knya Hindi man lang naiisip na mag ipon kaya Ngayon pati salary Niya bunos nasa kanya lang lahat Ng pera hintay lang Ako Kung magkano lang e bigay. Hindi Ako nag rereklamo kahit Minsan nakakasama Ng loob Kasi feeling ko Hindi Ako Asawa at Wala akong karapatan kung Anong Meron Siya . Hindi ko alam Kong normal to sa bagong panganak pero nawawalan na Po Ako Ng gana sa husband ko. Minsan lang Kasi Ako kontakin eh. Hindi pa Siya physically present dahil sa work Niya. Hindi ko na alam gagawin ko . I'm emotionally drained. nawawalan na Ako Ng gana. anak ko nlang iniisip ko Ngayon.
Magbasa paPahabol po: 4. Last option ito. Wala kang choice kundi mangutang. Sa kaibigan, o pamilya mo. Then unti unti bayaran mo. Walang ibang mahalaga ngayon kundi ang wellness nyong mag ina. Kung hindi nagawan ng paraan ng father ng anak mo, kailangan mo kumilos at maghanap ng ibang ways. Also use your talent to earn ng hindi nasasacrifice ang health mo. For example, ako bedrest po ako then nag oonline shop po ako. Kumikita din kahit papano. Ako makikipagtransact asawa ko magdedeliver. Naipon ba yung kinita namin? Hindi. Pero nakadagdag sa pang araw araw at panggastos sa pagbubuntis ko. Kailangan talaga mag side hustle. Halos naging fully dependent din ako sa asawa ko sa lahat kasi nga di ako makakilos. Pero we have open communication pagdating sa magagastos sa panganganak. Hindi pwedeng mahiya kasi buhay namin ni baby nakasalalay. I pray malampasan mo ang yugtong ito. Best reward si baby sa lahat ng hirap mo.
Magbasa pasad to hear that Po. usap Po kau ng partner nyo heart to heart, even ung nararamdaman nyo Po mainam na iopen nyo sa knya. Minsan ganyan din aq though working pero maraming bayarin kse kumuha aq insurance ng parents at sister ko Mula nung single aq. nagtataka Ang mister q qng bkt Lage aqng wlang Pera agad so inopen ko sa knya ung situation ko and he understood it nmn kya full support din sya. medjo nahihiya din aq sa knya kse mapride tlga aq at may work din nmn kse aq kako kso sa mahal ng bilihin ngaun at dming bayarin kapos tlga din. sa biyaya din Po ng Diyos may nagbigay n 2nd hand na clothes pra KY baby. ok na Po un kse mabilis nmn pong lalaki din Ang baby. so long na maayos pa nmn ung damit ok na.
Magbasa pasad to hear. pero may karapatan ka magdemand kase responsibilidad niya yan,magulang siya at tatay siya. pwede mo siya kausapin mamsh ng mahinahon. paunawa mo lang mabuti sakanya yung side mo tapos ask mo rin side nya ano plano nya since malapit kana manganak. paliwanag mo lang mamsh. asawa mo naman yan partner mo kaya paramdam mo na partner mo siya at ipaalam mo skanya na dapat partner ka nya. normal lang din yan mamsh na maawa ka sa sarili mo pero if magbburden lang din sayo yang pakiramdam na yan mamsh, wag mo na dalhin. sa ngayon si baby nalang muna isipin mo mamsh. pag nakarecover kana, tsaka kana mag move ng next step mo to improve naman self mo. 😊
Magbasa pai feel you mi. nagtatrabaho naman din ako ngayon tapos yong daddy ng baby ko may negosyo, kaunti lang naiipon namin both dahil sa check up. Nung nag usap kami about pag anak, mga gamit ni baby and after ko manganak. gusto niya bumili nga sasakyang pwede pang negosyo, hati kami sa bayad i nagdadalawang isip ako kasi baka hindi kami maka come up ng the same ipon agad e malapit na akong manganak. tapos kung ako lang gagastu base sa ipon ko, hindi ko naman kakayanin . Pero sinabi ko sa kanya yung ideas ko, naiintindihan niya naman siguro yung anxiety ko. Hindi ko rin alam ano gagawin ko kahit sabihin pa natin naiintindihan niya ako. Hindi pa rin ako at ease.
Magbasa pa1. Nine months kasi tayong buntis eh, mahaba ang oras at kailangan talaga maging mahigpit. If di afford ang ospital, mag lying in po nasa 5-15k ang magagastos hopefully normal ang baby mo. 2. May ilang buwan pa para makaipon. Kailangan mo talaga maging firm na may makuha sa kanya every cutoff nya. Kasi mahirap umasa sa tulong ng iba lalo na tulong ng gobyerno. They will not give any medical assistance unless emergency caesarian ka. Pero hindi tataas ng 5k yun. 3. Kung mag oospital ka, better have a checkup sa government hospitals. May Social Service Office at Malasakit Center dun mamimili kana lang saan ka hihingi ng tulong pinansyal.
Magbasa paI feel you po. ganyan din nararanasan ko ngayon. i stopped working before pa ko manganak and that was last year pa. so basically, 1 year na kong dependent sa partner ko. Nakakahiya and hindi ako sanay dahil usually ako ang hinihingian but the i always remind myself na hindi naman permanent lahat . eventually, lalaki si baby natin and hindi nya na tayo need so sa ngayon i am sacrificing my career in order for my child to feel the warmth of a mother's care. Naghands on ako sa baby ko para maguide k sya fully because i don't trust other people in taking care of her. Hugs to you mommy and i know malalagpasan nyo yan.
Magbasa pa1. normal lang po kaawaan ang sarili sa inyong sitwasyon 2. okay lang mag demand sa tatay ng anak mo para sa pangangailangan ng magiging anak ninyo, pero hindi po ninyo kontrol kung tanggihan niya o kulang ibigay niya o hindi sapat kinikita niya para sa hinihingi ninyo 3. para ma-improve situation ninyo, kung hindi po makakasama sa kalagayan ninyo at ng baby, try niyo po humanap ng online work or baka may alam kayong lutuin na pwede ninyong ibenta para may kinikita pa rin kayo. Or magpatulong ka muna sa mga magulang mo, bawi na lang sa kanila pag may makuha ka na uling trabaho at least 3 months pagkatapos ninyong manganak.
Magbasa pa