BUNTIS BA SYA!!? BAKIT SYA MAGPAPAKASAL!!?
Share ko lang experience ko nung magpapakasal na kami ni hubby. Sinabihan daw ng sister ko ang workmate nya na friend ko rin na magpapakasal na ako. And ang reaction ng workmate nya was "BUNTIS BA SYA? BAKIT SYA MAGPAPAKASAL KUNG HINDI NAMAN SYA BUNTIS!?" At nung seminar namin before kasal mga almost 20 couples din kami nun. Tanong nung nagseminar samin kung sino yung may mga anak na or currently buntis. Mga more than half nag raised ng hand. Tas tinanong nya kung sino yung mga wala pang anak or hindi buntis na ikakasal. So, we raised our hands at konti lang kami. Epic yung reaction ng speaker, sabi nya "Bakit kayo magpapakasal? Wala pa naman kayong mga anak at di naman kayo buntis! Subrang late na late na kayo." I was really confused, akala ko joke lang yun sabi nya but he was really serious. Tas tinawanan kami nung iba. Then here comes the last interview or talk with the priest. Tinanong nya kami kung may anak na ba daw kami, sabi namin wala pa. Tas sabi nung priest, "oh wala nman pala. bakit kayo magpapakasal?" Napanga.nga ako sa reaction nya ?hehe. Sagot naman namin dahil gusto namin magkapamilya na rin tas tumanda ng magkasama w/ the blessing of God. ? Kasal na kami ni hubby tas sa awa ng Dyos, after 7 months, nabuntis na ako kahit may PCOS ako. I can't help but wonder. Prerequisite ba talaga ng marriage na dapat may anak na kayo or buntis ka para magpakasal? I'm not against getting married when u have kids or if ur pregnant. We dont have any right to judge others. Iba-iba naman tayo ng situation. Knowing how the norm is now, makes me wonder kung bakit denedegrade yung mga gustong magpakasal kahit wala pang anak or hindi buntis. ?