ANG SAKIT MAG LABOR!!!!

Share ko lang experience ko mga miii hehehe para narin to sa mga manganganak PA LANG or near due date na. TAMA nga sabi nila hindi biro manganak tipong gusto mo na talaga ilabas si baby pero hindi pa pwede kasi nasa 1-4 cm ka pa. Yung pabalik balik ka ng delivery room kasi gusto mo na talagang manganak pero sabi ng midwife malayo pa juskooooo... Kakapagod ayon lakad lakad ulit, squat squat ulit hanggang tumaas yung cm 🀣 Tapos kapag nag contraction ka pa hindi mo ma e explain yung sakit tipong gusto mo ng sabunutan partner mo kasi sa sobrang sakit. By the way, induce labor pala ako yung tipong overdue ka na pero wala paring any signs of labor kaya yun na induce labor tuloy ni doc. Yung induce labor more pain talaga kaysa normal lang na labor kasi continues yung sakit nya yung tipong gusto munang umiyak pero bawal kasi papagalitan ka. At ito pa, MAS SAKIT MAG LABOR KAPAG MAY ALMORANAS KA 🀣 Iwan ko nalang yung tipong lalabas na ulo ni baby tas sumabay pa yung almoranas mo abaaaaaa ang sakit 🀣 pero lahat ng yan WORTH IT in the end pag nakalabas na si BABY MO!!! Pag nakaraos ka na yung tipong parang wala nalang yung sakit kasi nandyan na yung BABY mo ❀️ Oo, expect mo nalang na masakit talaga mag labor pero pag nandyan na baby mo WORTH IT TALAGA! Pray ka lang kay God makakaraos ka din mommy.

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

you can't imagine the pain..kahit anong aral mo, kahit anong search mo, kahit anong practice mo.. pag actual na wala talaga.. magdadasal ka nalang talaga.. and it is important to pray tlaga kase it'll help you to be calm and lalakas loob.. Just expect super duper pain pero after nung super sakit na yun super sarap naman sa feeling na hahagulhol ka ng iyak kase lumabas na si baby,umiyak na,nilagay na sa dibdib mo and finally maglalatch na siya sayo and tabi na kayo matutulog. you'll be proud of yourself after. promise. and at the end of everything magdadasal kalang ulet, to thank God for the guidance and love he gave you and your baby.

Magbasa pa
2y ago

same lang din po ung pain non kase pagnakukunan naglalabor din po..mas masakit lang siguro ung sa normal na nanganganak pag lalabas na mismo ung bata kase mas malaki ung nalalabas kesa sa nakunan..pero same daw po ang labor pains sa nakunan.