ANG SAKIT MAG LABOR!!!!

Share ko lang experience ko mga miii hehehe para narin to sa mga manganganak PA LANG or near due date na. TAMA nga sabi nila hindi biro manganak tipong gusto mo na talaga ilabas si baby pero hindi pa pwede kasi nasa 1-4 cm ka pa. Yung pabalik balik ka ng delivery room kasi gusto mo na talagang manganak pero sabi ng midwife malayo pa juskooooo... Kakapagod ayon lakad lakad ulit, squat squat ulit hanggang tumaas yung cm 🤣 Tapos kapag nag contraction ka pa hindi mo ma e explain yung sakit tipong gusto mo ng sabunutan partner mo kasi sa sobrang sakit. By the way, induce labor pala ako yung tipong overdue ka na pero wala paring any signs of labor kaya yun na induce labor tuloy ni doc. Yung induce labor more pain talaga kaysa normal lang na labor kasi continues yung sakit nya yung tipong gusto munang umiyak pero bawal kasi papagalitan ka. At ito pa, MAS SAKIT MAG LABOR KAPAG MAY ALMORANAS KA 🤣 Iwan ko nalang yung tipong lalabas na ulo ni baby tas sumabay pa yung almoranas mo abaaaaaa ang sakit 🤣 pero lahat ng yan WORTH IT in the end pag nakalabas na si BABY MO!!! Pag nakaraos ka na yung tipong parang wala nalang yung sakit kasi nandyan na yung BABY mo ❤️ Oo, expect mo nalang na masakit talaga mag labor pero pag nandyan na baby mo WORTH IT TALAGA! Pray ka lang kay God makakaraos ka din mommy.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

grabe mii 1st time ko ma IE today ang shaket na pano pa kaya pag labor na huhu 😥😥

3y ago

Hindi naman po agad agad ubos may time pa tumakbo sa hospital delikado kasi pag bumaba ang amniotic fluid kapag pansin mo na di macontrol yung fluid na lumalabas mabsabi agad kay ob at punta na sa hospital, and Yes po tumitigas po tlaga tyan pero dapat po hindi magtagal ng super, same po sobra din kaba ko nung nsa early weeks pa kausapin mo din si baby na kapit lang sya wait nya ma full term sya bago lumabas 😁 37 weeks here kinakabahan ako sa pag llabor pero mas nangingibabaw excitement ko na makita na baby ko