Sa sobrang bait ni hubby, nakaka-inis na!

Share ko lang. Apat silang magkakapatid. 3 Seamen (2 Kapitan ng barko, kasama hubby ko), 1 Businesswoman. Tatay po nila kapitan din ng barko. Lahat sila magkakapatid bukod sa hubby ko, may kanya kanyang bahay na pinatayo ng tatay nila at mga sasakyan pa. Kasal at panganganak nilang mag aasawa sagot din lahat ng tatay bukod nanaman samen ni hubby. Wala kami maasahan na iba. Sabi ko kay hubby kunin nalang yung kotse para Hindi kami mahirapan sa byahe kasi buntis ako. Ayaw niya, sabi niya kaya daw niya bumili. Eh wala naman. Tapos sarili bahay namin wala pa din. Hindi parin kami kasal. Nakakainis lagi niya sinasabi okay lang daw kaya daw namin. Eh Hindi ko pa siya pinasasampa ng barko kasi gusto ko makapanganak pa sana ako. Kaya nag nenegosyo nalang kami, kahit maliit lang. Ako naman Hindi pa nakakapag turo dahil maselan pagbubuntis ko. Nakakasama lang po ng loob. Bakit okay lang kay hubby na Walang wala kami nakuha suporta mula sa parents niya samantalang mga kapatid at asawa nila nagpapakasasa!

63 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hayaan mo lang yung asawa mo. Maganda nga yan di siya umaasa sa ibang tao, kaya niyang solusyonan at buhayin kayo sa kakayanan niya. Ang pangit ng dating na gusto mo ding magpakasasa gaya ng mga kapatid ng hubby mo. Ikaw din naman yung ayaw magpasampa sakanya sa barko kaya sa ngayon wala din kayong income na mas malaki. Tiwala lang sa asawa mo, baka magtampo pa yan isipin niyang wala kang tiwala sa kakayahan niya. Hihingi naman siguro ng tulong yan kung talagang di na niya kakayanin. 😊

Magbasa pa

Ang swerte mo nga sa asawa mo momsh kasi hindi sya umaasa sa magulang nya at tama yun. Gusto nya kung anong meron kayo ay galing lahat sa pagsisikap nyong dalawa. Tunay na lalaki yang hubby mo at marunong mahiya sa magulang. Kasi kung nagsisimula or gumawa ka na sarili mong pamilya, di mo na dapat iasa sa magulang mo needs nyo. Yung mga kapatid nya, wag mo na problemahin, pag nagkagipitan hubby mo ang marunong tumayo sa sariling mga paa kumpara sa mga kapatid nya na puro asa.

Magbasa pa

Seryoso ka sa nirarant mong yan? Buti di ka pa iniiwan ng bf mo sa ganyang way of thinking mo. Grow up! Wala sila obligasyon sa inyo lalo na sayo. Ang dating kasi e gusto mo rin makipagpaligsahan sa mga kapatid ng bf mo sa mga binibigay ng father nya. Be proud. Hindi palaasa ang bf mo. Good luck sa relationship nyo. Sana matagalan ka pa sa ganyang pag uugali mo. Hindi pa naman kayo kasal kaya wala ka karapatan gumanyan ganyan at kahit na kasal kayo wala ka pa rin karapatan mag rant

Magbasa pa
5y ago

True, rant rant ng ganyan tpos pag nasabihan ng masakit magagalit. Wala kase sa lugar, pag natauhan bf mo dahil ganyan ka baka pagsampa ng barko yon maghanap na ng iba yon di pa naman kayo kasal. Goodluck sa ugali mo, mapaghangad haha

VIP Member

Ayaw nya lang na umasa sa parents nya at tumulad sa mga kapatid nya. Gusto nya sariling sikap. Masarap kasi pag sariling pawis at pagod mo yung mga bagay na nasa sayo. Sana nga maging proud kapa sa kanya dahil ganyan sya. At siguro wala kapang nakikitang pinupundar nya dahil nag iipon pa sya at dahil nga manganganak ka. At alam mo, sa lahat ng magkakapatid, may isa talagang naiiba. Kumbaga sinasabi nila na blacksheep of the family. Though di naman sya masama.

Magbasa pa

Natawa ako sa nagpakasasa. First of all di pa kayo kasal. Second Hindi ka ka ano ano ng pamilya Ng bf mo at isa pa sis mag intay intay ka may plan Si bf mo sa pamilya nyo. Lahat ng Bagay pinaghihirapan, di pwede e asa nyo sa iba ang pag unlad niyo. PS: wag mong isumbat Sa bf mo Yan baka Yan pa pag simulan nyo ng away. At Kung mamalasin baka maghiwalay pa kayo. Pss: mahalin Mo Ng buo ang bf Mo at magtiwala ka sa mga decision niya. God bless 🙏

Magbasa pa

Parang di maganda pakinggan, alam ko kahit madaming pera side ng hubby mo wag sana umasa kung meron naman kayong magagawang paraan, tsaka wag mong apurahin sa mga ganong bagay ung asawa mo kotse bahay. Magpag iipunan nio yan mag intay ka lang. Gusto lang ng asawa mo na sya gumawa ng paraan para mkuha yang mga bagay na yan. Buti di naiinis asawa mo. Masama po maingit. Pagsampa ng asawa mo makakabili din kayo ng sarili nio.

Magbasa pa

Sa tingin ko po na ayaw tularan ung iba niyang kapatid na umaasa sa father nila.Para sa akin nakakaproud iyong ganun mind set. Gusto niya magsimula talaga sa simula. Madami din naman maselan ang pagbubuntis na walang sariling sasakyan na nakakaya naman nilang mag asawa. Mas maganda po siguro kung mag focus na lang sa mga bagay na mayroon iyong sinusumulan ninyong family.

Magbasa pa
5y ago

Hehehe. sabi nga po ni Catriona " to see situations with a silver lining"

Mas maging proud ka dapat kc di cia sumasandal sa family nea. Pinapakita nea lang na kahit walang binibigay mga magulang nea kakayanin nea ang buhay nu mag asawa. Di naman po cguro kau naggutuman or whatever. Tiis2 lang po sa una lang naman mahirap pag nkapag work na kau pareho mas masarap sa pakiramdam na lahat ng pundar nu galeng sa sarili nung pnag hirapan 🙂

Magbasa pa

Be proud nakahanap ka ng lalaki na matured and responsible. Sa totoo lang hindi na kayo obligasyon ng parents niya kung ginastusan man ng parents ng partner mo yung mga kapatid niya hayaan mo sila, karapatan nila yun bilang anak sila kahit mag pakasasa sila. Kung ayaw ng partner mo umaasa okay lang yun as long as hindi niya ako pinapabayaan.

Magbasa pa

Ambisyosa amputa. Ako anak rin ako ng seaman kapitan ng barko pero never kami umasa ng asawa ko sa magulang ko dahil may sariling income kami yung mga gaya mo masyadong mukhang pera because of financial hahahahahahahaha marunong ka mag banat ng buto malas ng asawa mo sayo pa-anonymous kapa. 🤣😂😂😂🤪🤪

Magbasa pa
5y ago

true