Sa sobrang bait ni hubby, nakaka-inis na!

Share ko lang. Apat silang magkakapatid. 3 Seamen (2 Kapitan ng barko, kasama hubby ko), 1 Businesswoman. Tatay po nila kapitan din ng barko. Lahat sila magkakapatid bukod sa hubby ko, may kanya kanyang bahay na pinatayo ng tatay nila at mga sasakyan pa. Kasal at panganganak nilang mag aasawa sagot din lahat ng tatay bukod nanaman samen ni hubby. Wala kami maasahan na iba. Sabi ko kay hubby kunin nalang yung kotse para Hindi kami mahirapan sa byahe kasi buntis ako. Ayaw niya, sabi niya kaya daw niya bumili. Eh wala naman. Tapos sarili bahay namin wala pa din. Hindi parin kami kasal. Nakakainis lagi niya sinasabi okay lang daw kaya daw namin. Eh Hindi ko pa siya pinasasampa ng barko kasi gusto ko makapanganak pa sana ako. Kaya nag nenegosyo nalang kami, kahit maliit lang. Ako naman Hindi pa nakakapag turo dahil maselan pagbubuntis ko. Nakakasama lang po ng loob. Bakit okay lang kay hubby na Walang wala kami nakuha suporta mula sa parents niya samantalang mga kapatid at asawa nila nagpapakasasa!

63 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pumasok kayo sa ganyang sitwasyon panindigan nyo. I think yan ang principyo ng asawa mo, hindi kayo obligasyon ng magulang nya. Kung my bibigay ok kung wala wala kayong magagawa. As long as di ka naman ginugutom ng asawa mo, be contented of what u have. Maswerte ka,d palaasa ang asawa mo. Wag mo gayahin mga kapatid nya. Goodluck.

Magbasa pa

In the first place, hindi na po kayo dapat obligasyon ng parent ng partner mo, considering na parehas din kayo may trabaho at kakayahan magprovide sa family nyo. Wag mainggit dun sa ibang kapatid ng partner mo. Malamang ayaw lang tlga umasa ng partner mo sa parents nya dahil alam nya ung kakayahan nyang magsupport sa inyo ng baby mo.

Magbasa pa

Same kami ng hubby mo. Isang sabi ko lang sa parents ko alam ko na makukuha ko ang gusto ko pero ayaw ko. Hindi ko alam pero nahihiya ako sa sarili kong magulang. Pinaghirapan nila yun dugo't pawis. Hinahayaan ko nalang yung mga kapatid ko. Masama ang inggitera sis haha itigil mo na yan bago kapa lamunin ng sistema ng inggit.

Magbasa pa

mean lng nian gusto ka buhayin ni hubby sa srili niang sikap at di nakaasa sa magulang nia, tcher ka pala hindi b dpt ms mlwak ang png unawa mo s gniang bagay? hndi bat ms nkproud kung aasenso kyo ng sriling pgsisikap nio mg asawa ang pinuhunan nio? .. ndi kindness nia ang isyu, ung maling pananaw mo po ata ang prblema.

Magbasa pa

Hindi pagiging mabait ang tawag dun maturity dapat proud ka ganyan sya hindi umaasa sa magulang dahil sa inggit mo sa mga kapatid nya ang liit liit ng tingin mo sa kanya dahil lang wala kayo ng meron sila makuntento ka maswerte ka ganyan sya marunong tumayo sa sariling paa marunong magbanat ng buto.

Hindi ba dapat proud ka? Kasi asawa mo independent, gusto tumayo sa sariling mga paa at ayaw umasa sa magulang. May backbone at gusti nya siya ang magtaguyod sa inyo? Nagdedemand ka eh hindi pa naman kayo kasal. Ginusto mo lang ata siya kasi nalaman mong may kaya eh kaya nag eexpect ka na meron ka din..Jusko!

Magbasa pa
VIP Member

Alam mo, mas mgnda nga sarili nio sikap mg asawa ee kesa umasa s fam nia.. Mg ipon po kaio mg asawa pra mgkron ng kotse at s tamang panahon mgpakasal dn po.. Hayaan nio mga kapatid nia.. Mas mgnda pren independent kaio mg asawa, tutal sooner or later mkkpg barko n hubby mo tas xmpre ipon ipon nren..

Hindi po ba dapat matuwa ka kasi tumatayo sa sariling paa niya yung asawa mo? Pinanindigan ka, ginagawa niya on his own. Hindi naman po maganda yung iaasa niyo yun sa pamilya nila dahil may kaya sila, mas okay yung kusang magbibigay ng tulong yung pamilya. Maging kuntento ka nalang po.

Hello! Dapat nga po matuwa ka sa partner mo kasi hindi sya palaasa sa magulang. Alam nya kung ano ung responsibilidad niya. Imbis n mainis ka dapat nga maging proud ka na ganyan siya ibig sbhn umpisa pa lng knkaya na niyang itaguyod ung pamilya nyo ng hndi umaasa sa tulong ng iba.

VIP Member

I think ayaw nya lang maramdamang naka depende sya sa parents nya..mataas yung ego ng mga lalake mas gusto nila sila ang tumutulong rather than sila ang tinutulungan..like my hubby, we dont get support sa parents nya..pero kami pa ang tumutulong even dati na preggy pa ako.