Sa sobrang bait ni hubby, nakaka-inis na!

Share ko lang. Apat silang magkakapatid. 3 Seamen (2 Kapitan ng barko, kasama hubby ko), 1 Businesswoman. Tatay po nila kapitan din ng barko. Lahat sila magkakapatid bukod sa hubby ko, may kanya kanyang bahay na pinatayo ng tatay nila at mga sasakyan pa. Kasal at panganganak nilang mag aasawa sagot din lahat ng tatay bukod nanaman samen ni hubby. Wala kami maasahan na iba. Sabi ko kay hubby kunin nalang yung kotse para Hindi kami mahirapan sa byahe kasi buntis ako. Ayaw niya, sabi niya kaya daw niya bumili. Eh wala naman. Tapos sarili bahay namin wala pa din. Hindi parin kami kasal. Nakakainis lagi niya sinasabi okay lang daw kaya daw namin. Eh Hindi ko pa siya pinasasampa ng barko kasi gusto ko makapanganak pa sana ako. Kaya nag nenegosyo nalang kami, kahit maliit lang. Ako naman Hindi pa nakakapag turo dahil maselan pagbubuntis ko. Nakakasama lang po ng loob. Bakit okay lang kay hubby na Walang wala kami nakuha suporta mula sa parents niya samantalang mga kapatid at asawa nila nagpapakasasa!

63 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy baliktad naman tayo. Asawa ko business man at ako naman plain house wife lang sa ngayon. 4 din silang magkakapatid, bunso si hubby. Ung mother ng hubby at sis nya working abroad sila. 3 silang naiwan dito sa pinas na may sari sarili ng pamilya. Yong two nyang kapatid supportado ng husto ng mother nila monthly allowance sa mga anak ng kuya nya at utility bill, pang gas wifi at bigas si mother inlaw ko lahat nagbibigay pero sa mr ko waley. Nanganak ako walng naibigay sa mga kapatid ng mr ko kung ubo lang papadala ng agad ng pera si mother inlaw. Minsan naaawa ako sa mr ko kasi nagtatampo sya na di man lang sya masusuporatanahan. Ang sabi ko nlng sa mr ko hayaan mo na ang importanti kaya naman natin. At atleast di tayo masasanay na umasa sa iba. Lahat ng meron tayo ay bunga ng pagsisikap natin kaya wag ka nlng magtampo. Buti nakikinig si hubby. Kahit na mabait si hubby may mga pagkakataon parin na nakakadama sya ng parang di fair si mother nya.

Magbasa pa

INGGET. Yun lang ang naramdaman ko sa post mo po. Masama po yan momsh especially kay baby. Nagccause ng stress sayo na in the first place hindi nMan talaga dapat. Be thankful at hindi palaasa ang partner mo. Alam niya ang resposibilidad niya. Masyadong mababa ang tingin mo saknya. Imbis na imotivate mo siya to strive more parang dinadown mo pa at gusto mo din umasa siya at magpakasasa din sa hindi naman tlaga saknya. Ayaw mong pasampahin eh, edi tyaga ka talaga. Ako nga pinsampa ko na hubby ko kahit na wala siya during my pregnancy kasi kailangan namin. It is just a matter of choice. Frankly, masama talaga ang nadudulot ng ingget. Nagiging ungrateful ang isang tao, imbes na magpasalamat at makuntento sa kung anong meron for now, tumitingin pa sa iba at hinahanap ang wala. So ang advice ko po, BE GRATEFUL! GODBLESS! ☺

Magbasa pa

Mommy mejo foul po yon sa part ng hubby mo. Parang masyado niyo naman pong inaapakan yung ego niya, wag niyo po sana siya icompare sa iba niyang kapatid na umasa pa ng ganon sa magulang. Dapat nga mas proud ka kasi hindi siya palaasa and may sariling paa. Mahirap syempre pero pag nagtagal aanihin niyo din yan hardships nyo at baka matuwa pa sainyo yung parents nya dba. Eh mukha namang wala pang inooffer yung parents nya syempre unfair nga yon pero mas unfair kay hubby na hihingi siya, di ba mas okay pa din yung kusang bigay. Anyway, kaya mo yan. Resist the temptation. Iba pa din yung walang utang na loob. Mas pinagpapala yung mga ganong tao. Pray mommy 🙏❤

Magbasa pa

Minsan sis meeon taalga isa sa mga anak yung may pride. Ung alam nila sa sarili nila nakaya nilang iprovide yung mga bagay na yun para sa sariling pamilya, di naman sa parang ang bait talaga ng asawa mo siguro masaya lang siya na pag pinaghihirapan niya at ang galing nga di siya umaasa sa bigay lang kase mahirap talaga dumipende hintayin mo nalang namabigay niya sayo yung bagay na binibigay dapat ng mga magulang niya kase di na kayo resposibilidad ng pamilya niya sarili niyo nayan. Though naiintindihan kita sa part na oo bakit di muna kunin ang kotse kasi ang hassle nga naman hayaan mo naang iya baka masobrahan ka at maapkan mo yung pride niya.

Magbasa pa

Ang swerte mo nga kasi independent ang asawa mo, magulang nya ngayon ang nag proprovide sa aming dalawa, tumigil dn ako sa pagtuturo kasi hindi pa kami kasal that time at nabuntis ako. Isang trainee pilot ang asawa ko, kaya sa magulang nya kmi umaasa. Mayaman dn sila, retired army ang papa nya at kapatid sa US military at accountant naman ang mother sa State nila. Wala man akong magagawa sa ngayon pero kahit paano hindi ginusto na inaasa sa lahat, khit papaano nag susumikap ako kahit Online Tutor at pag bibinta online products, hindi ko naman kinita ang pera nila, at anak namin to. Bakot iaasa sa knina?

Magbasa pa

I actually prefer if my husband and I are both independent. It never hurts to ask a bit of financial help sa fam ng hubby ntn pero wag nmn sobra. hayaan nyu po yan mga kapatid ng husband mo kasi mkhng dependent sila. mhrap kng ganyan sis ^^ as of now kme ng hubby ko hindi pa tlga ayos un state nmen so nkktira muna kme dto kila papa nya pero syempre expenses ky baby etc samen nmn galing. we ask for financial help if sobrang need or emergency lg. appreciate your husband po and wag nyu po sana sya ipressure. He is trying to provide for you with his own hardwork hindi un galing sa tatay nya in which i think nkkproud.

Magbasa pa
VIP Member

Tawag dyan. May paninindigan momshie. Hindi umaasa sa magulang. Matured asawa mo. At kung asawa na talaga turing mo sa kanya. Sabi nga sa hirap at ginhawa kayo ang magkatuwang. Daming iba dyan nagrereklamo kasi batugan asawa pala asa sa magulang pero kabaliktaran sayo momshie ha. Hehehe.. be proud sa asawa mo. Pinapatunayan niya na kaya ka niya buhayin. Hayaan mo siya sa paraang alam niya. Kahit mahirap ok lang kesa magara nga buhay niyo puro naman bigay. Magtulungan nalang kayo. Okay nga yan kahit wala siya sa barko may source of income pa din kayo. May business kayo kasama mo pa si hubby dba.

Magbasa pa
Super Mum

I think wala naman pong masama sa ginagawa ni hubby mo. You should be proud of your husband kasi gusto nya sariling sikap nya yung maipupundar sa pamilya nyo. Kahit na may kaya ang pamilya ng hubby mo wag mo iasa sa kanila ang pangangailangan nyo. Sa opinion ko lng sis pangit kasi yang ganyan lumalabas na may habol ka pa sa kayamanan ng pamilya ng hubby mo at gusto mo pa kunin nyo ang kotse, ang pangit pi pakiggan. At isa pa, ikaw naman pala may ayaw na sumampa sya dba? so dpat magtiis ka muna na wala pa kayong sapat na income. Hndi pwede lahat take, dpat give din at mag sacrifice.

Magbasa pa

Syempre kung ano ginawa sa kanila ng tatay nila ganun din gusto nyang gawin s inyo. Ung sariling sikap nyang ipupundar lahat ng bagay na meron kayo. Tinutularan nya tatay nya. Di sya umaasa sa hingi o bigay. Kase once na magka problema jan, lalo na ung mga magkakapatid. Pati kyo ma iistress lang. kaya gusto nya bawat bagay sa inyong mag asawa galing sa pundar nya may paninindigan sya. Ganyan asawa ko e. Proud na proud akong pinag mamalaki sya sa parents ko. Kase ung parents ko ganun nila ako pinamulat sa buay may asawa.

Magbasa pa
VIP Member

Sis, pareho tayo sitwasyon. Un bang pwede kami humingi sa parents nya pero hindi namen ginagawa. And thankful ako kasi si hubby pinapakita nya na responsable sya samin ng magiging anak namen. Hindi man malaki kita nya pero di nya hinahayaan na maging palaasa sa ibang tao. Kung ano lang yung ibigay, thankful na kami. Hindi kami humihingi o umuutang. Kase hangga’t kaya namen, go lang. Wag tayo magpakasasa sa hindi naten pinaghirapan. Maging thankful tayo sa ano mang meron tayo.

Magbasa pa