TIPID LIVING
Share ko lang ang aking tipid tips para sating mga kapwa momshie ? 1. Invest in good and quality bra. Kahit ano pang ganda at mamahalin ng damit mo kung di maganda ang bagsak ng dibdib mo di yan mabibigyan ng hustisya. Ako bumibili ako mga bra pag naka 3day sale o kaya naka off yung mga ginagamit kong bra. 2. Sa panty iba gamit ko pag may mens ako at pang bahay syempre para di agad masira o magkastain. Kahit nung dalaga ako di ako mahilig sa mga lace, tongs at kung ano ano pa. I go for cotton panty, iwas uti. 3. Go for classic yung di naluluma ang style para kahit matagal na keri pa ding isuot. Pero syempre minsan bumibili ako ng uso pag gustong gusto ko pero yung di branded kasi usually ang uso ilang suotan lang naman talaga. 4. Shop for comfort lalo na sa shoes. Ayaw ko ng mga damit na kahit ano pang ganda makati, di ako komportable, mainit sa katawan. 5. Quality lalo sa mga gamit na lagi mo isinusuot/ginagamit like pants, shoes and bags. Mahirap naman na iwan ka ng sapatos mo habang gumagala ka o kaya sobrang bigat at madulas na halos di ka na makalad. Sa bag dpat matibay yung di agad nalalalaslas. Marami din namang mga quality na gamit na di kailangan sobrang mamahalin. 6. Ang damit ko halos magkakamukha. Iba iba lang ang kulay pero kung ano yung bagay sa katawan ko, i stick to that design. Mahirap naman ipilit yung uso na di naman bagay sa katawan natin. 7. Recently lang, pinafollow ko na yung rules na pag may pumasok sa wardrobe mo kailangan may lumabas. Minsan kasi ang dami ng damit tapos ilang taon mo na plang di nagagamit hoping na magkasya pa sana sayo kasi fave mo. Pero now i give up. Yung mga damit ko na after 3yrs di pa din magkasya pinamigay ko na. At nakakatuwa kasi lumuwag at luminis yung cabinet ko. Thanks for reading and chill lang tayo palagi!!! #CTTO