#QOTD Wednesday: Importante ba ang sex sa relationship?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!
TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!
Voice your Opinion
Oo
Hindi

1386 responses

142 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naniniwala akong hindi dahil sa amin ng asawa ko ay di yan yung nagpapatibay sa amin. noong wala pa kaming anak oo madalas kami niyan pero nung nabiyayaan at naramdaman ko yung hirap nagkaroon ako ng takot na makabuo ulit kaya may 1 taon din kaming walang sex. Tinanong ko siya kung okay lang sabi niya nirerespeto niya ako at di naman daw siya naghahanap dahil nauunawaan niya hirap ko. Biniro ko na lang din na hanap muna siyang iba pero nasabi na lang niya, madami na siyang problema ayaw niyang magdagdag pa at saka sa kabusyhan nmin sa anak namin wala siyang time para doon. Andito naman ako at willing maghintay kung kailan ko handa. lumipas ang 3yr kasi 3 taon na anak ko aminado di pa din ako ganon kainterest sa sex same sa husband ko pero mas lalo niya ako minamahal like siya lagi nghahnda ng breakfast, gumawa siya ng way na magkasama kami sa work (sabay papasok, sabay kakain at sabay uuwi), tulungan sa gawaing bahay (madalas inaako niya gawain at pinagpapahinga o give time sa anak), clingy pa din lagi nkapulupot pero sex hindi na namin siya yung dalas na ginagawa (like mga 1-2 a month lang ) kasi ang sex ay di naman yun basehan ng Love. 😊

Magbasa pa