Masasabi mo bang maselan ang pregnancy mo?

Voice your Opinion
YES
NO
NOT SURE

2236 responses

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nung nagbubuntis ako oo sobra skl lagi akong nagsusuka wala akong gustong pagkaen ayoko amoy ng ginigisa, butter, tilapia pati yung mga mababangong sabon at alcohol nasusuka ako. pagdating ng 4mos namaga pisngi ko sabi ng ob ko baka kula ako sa calcium, ka6mos preggy ko sumasakit puson ko para akong manganganak tapos nung naultrasound ako konti lang daw panubigan ko hangga sa naadmit ako nagpaCAS ako nalaman na may prob sa kidney ang baby ko, 8mos dinugo nako after 3days naCS ako naadmit si baby dami problem sa puso, lungs, kidney, sa dugo after 2mos nakalabas na kami ng ospital okay na yung sa dugo niya pero umuwi kami ng naka oxygen siya after 3mos kaya na niya walang oxygen ilang mos lumipas ok na din heart niya, kidney, sa lungs need nalang ingatan bawal siya lumapit sa mga inuubo, sinisipon dahil madali daw siya mahawaan at mahihirapan daw siya pero sa awa ng Diyos lagi siyang masigla at healthy. God is good talaga walang imposible❤️

Magbasa pa

dream pregnancy ko po un mga nirereklamo ng ibang moms na pagsusuka, paglilihi, etc. sa case ko po kc, d ako nkkrmdam nyan pero lagi ako my spotting at kalaunan mkukunan na ako. sobrang sakit ng nangyari saken kahapon lang. akala ko i'm living my dream pregnancy na, kc ngsusuka at nglilihi na ako at walang spotting. 1st ultrasound june1, ok c baby malakas heartbeat. 2nd ultrasound june16, IUFD na ang result. sobrang sakit mga ma 😔😭 3rd lost ko na po ito. andito pa sa tyan ko c baby pero patay na sya 😭pero pasalamat parin ako dahil my 1 anak na kme, sya nlng ngbbgay ng lakas sken.

Magbasa pa

maselan po ako sobra... ayaw ko po ng pagkain.... sobrang pahikan po tas mababa po ang matris ko... sobrang tamad kopo kumilos ayaw kopong gumawa ng gawain bahay.... ang bigat po sa pakiramdam.... sa pagkain po sinusuka ko laang... kaya plagi po akong nagugutom pero wla nmn po akong magustuhan pagkain ...

Magbasa pa
3y ago

kaya nga kahirap .... ung gutom na gutom kana pero wala namn magustuhan

sobra mula nung first trimester until 3rd trimester bed rest aq tpos dlwang klaseng gamot pa ung tinetake qng pampakapit sa awa ng Dios 34 weeks na aq sana di lumabas ng maaga tong mga kambal q samahan lng tlga ng mtinding dasal

no, 18 weeks na ko na nakapag pre natal check up. unexpected pregnancy. pumipila ako sa sakayan ng jeep, standing sa bus, tumayo ng matagal. Thankfully, di naman naapektuhan si baby

sobrang selan ko auko ng naaamoy ko nasusuka na ko bumabaliktad na sikmura ko , wala akong gustong kainin parang ung nasa utak ko ayaw ng panlasa ko huhu 😭😭

nung naglilihi Lang. pero after my first trimester, okay naman na. balik SA normal. nagagawa mo pa din Yung mga dati Kong ginagawa. nag iingat nlang.

VIP Member

Yes, had to go through Hyperemesis Gravidarum and nabawasan lang nung third trimester. Experienced it sa dalawa kong anak. 🥺

VIP Member

sobrang sobrang maselan. sa sobrang selan 2nd time na to na ma-bed rest ako. una nung 2months palang sya. then ngayon naman.

yes.im on a bed rest now..nasiksik daw c baby s may puson ko as per my ob.and i have history of 2 unsuccessful pregnancy.