MIL

May sarili kami place ni partner pero since na CS ako and need ng kasama sa bahay, dito muna mami sa MIL ko. Pinakikisamahan ko naman at nakikinig ako sa mva gusto niya. Pero sobrang nakakainis eh. Nagalit na may sterilizer kami. Sayang daw space. Tas ang arte raw na may baby laundry wash and detergent. Isasabay lang daw niya labhan damit ni baby sa damit namin. Magiging maarte raw kasi si baby :( tapos yung panghugas ng bote, ayaw din niya. Ang arte raw bat may brush pa at bottle cleaner liquid. Joy lang daw ilalagay sa bote tas shake shake lang daw. Tapos nagttry ako pa breastfeed tapos sabi niya wala raw nakukuha kaya bumili siya formula :( tapos nakaka 60ml lang si baby na milk sa isang araw kasi di na raw need gisingin para dumede. Advise kasi sakin every 1 hr since may gdm ako. Pero pinapalatch ko pa rin baby ko kaso iyak kasi ng iyak eh. Tas sa pag ligo, sa sink lang. Running cold water lang naaawa ako kay baby. Tas partner ko nakikisang ayon pa. Arte ko raw.. Tinanggal na rin niya mittens kahit di pa nagugupitan si baby... huhu 4 days old pa lang si baby. Kwawa naman Sa mga nag sasabi po na dun ako sa parents ko... gusto ko man pero si dad ko ay taga Australia po. Mommy ko po ay nakakulong. Mga kapatid ko malayo po eh. Las pinas ako ngayon sila po nasa may north KAYA PO KAMI NASA MIL KASI FRONTLINER PO PARTNER KO.

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ay hindi pwede sa akin yan sis . ikaw ang nanay alam mo mas makakabuti sa anak mo . huwag mong i risk yung safety ng anak mo jan. kung kailangan mong sumagot. sumagot ka. para yan sa baby mo. alam mo na mali ang ginagawa niya

Wag kang pumayag ikaw ang nanay kaya dapat ikaw ang masunod pano kung gusto lang non magkasakit ung anak mo kse di nia gusto.. Basta wag ka papayag.. Hanep running water pano kung magkasakit baby mo.. Nakakaawa ung baby

Ako nga 8 mos n c baby lukewarm water prin pinapaligo k s kniya. Tpos yan newborn running water. Nku kng ako yan gulo na.. Pg ndi mo pinigilan ang biyenan mo magkaksakit ang anak mo. Mahrap mgkasakit ang baby.

Awayin mo na 😒😒 Di naman porke ganun pagpapalaki nya sa anak nya, ganun na din nya palakihin si Baby. Panghihimasok na ginagawa nya 😒 nairita ako sa running water lang pinanliligo. 😡

Hindi ko po kinaya yung running water. Please don't let her dictate you on what's good for your baby because you know better. Ikaw ang nanay. Sana there's a way na makaalis ka dyan. ☹️

VIP Member

Sundin mo mamsh pero limitado lang wag yung pati pag dede syo ng anak mo pinakekelaman nya pa, kakapanganak mo lang masstress kalang dyan. Sguro maganda if kausapin mo asawa mo about dyan

Dun ka nalang sa inyu.. Kaya mo nmn cgru mag isa twing papasok sa work hubby mo.. Kawawa c baby baka magkasakit NB plang yan dapt iniingatan.. Grabe nmn yang MIL mo.. 🤨

Naawa ako sayo. Malakas magpa post partum depression yan. Stay strong momshie. Kaya mo yan. Makaka lipat din kayo sa lugar nyo. Matatapos din yan. Magpalakas ka. Hugs.

Nako po mommy . Pag ganyan ang kasama mo sa bahay magkaka pospartum ka niyan. Imbis na makapahinga ka kc kakaraos molang sa panganganak tapis ganyan kasama mo. Haizt

Sabihin mo, my baby, my choice.. Grabe naman sya. Ako nga warm water pinapaligo ko sa baby ko na galing water dispenser kasi sobrang sensitive pa ng newborn.