Maternity dress

San po kayo namimili ng abot kaya pero mukhang panlakad/pamasok sa work na maternity dress? Namili kasi ako sa shopee, medyo malayo ang difference between expectation and reality. Nakakadisappoint na lang. Nakatatlong maternity dress na ko ng inorder sa iba't-ibang online shop pero puro nakakadismaya products nila in person. ?? Working first time mom po ako. Sana may masuggest po kayo. Nahihirapan na kasi ako sa uniform, labas tiyan na at masikip na din mga pants. Maternity dress na lang sana para mas comfortable.

137 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mas okay personal mo bilhin kesa online kasi di mo talaga makikita ano ba ichura, ako i tried to buy in dept stores of different malls but those for maternity are really pricey considering hindi mo na sya masyado masusuot after, range is 500-1k+, so i just tried to look for big size dresses that i can wear after pregnancy by just having a belt, loose blouse and leggings. i also work in corporate but people won't mind your clothes if not too formal, its understandable 😊

Magbasa pa

Kung meron kang maluluwang na tops sis, partneran mo lang ng leggings. You can invest sa leggings praktikal magagamit mo after pregnancy. Ako kasi d bumili ng maternity dresses, may mga polo shirts ako na loose tsaka leggings lang ang usual na suot ko. Pag medyo dressy naman may bodycon dress ako na tamang tama din nagfifit sa tummy. Or maxi dress tamang tama din sa pagbubuntis after birth magagamit mo pa dn

Magbasa pa

Maternity dresses ko binili ko sa robinsons metro east and sta lucia , buntis yung brand. Mura sya , may sale naman madalas at sure ka pa na comfy and okay sya pampasok sa office. Di din ako bumibili sa online kasi madidisappoint ka lang talaga, sa taytay naman natry ko isang beses pero di ko din nagamit halos sa later part ng pregnancy kasi umuurong yung tela . At least sa mall masusukat mo pa.

Magbasa pa

Mas maganda kc ikaw mismo makakapile ng mayus kahit saan pwede ka mamili,baclaran recto, divisoria or kahot sang mall sm meron dep store my mga sale my ukay din maganda mura pero need pakuluan bago gamitin para dka mag kasakit,marami kaso need mo mag tyaga puntahan talga para ikaw mismo makpamile

Sa lazada po, my mga seller sa taytay na my acct sa lazada. So same price lang pag nag pnga ka ng taytay at bbli sa lazada. Pero sa akin mostly sa korean ukay ako nabili. Hindi sya nagamit or ukay pero my mga mantsa kaya mura or hndi nabenta. Korean bale tawag nila 60 pesos lang bili ko hehe

i purchase 2nd hand nalang talaga kasi nagnhihinayang ako super tagal or baka hindi na nga magamit. mas mura pa mejo makakabili ka pa ng branded. sa pants lang ako nag invest 2 pcs na lagi kong palitan sa uniqlo..:) yung may garter yung sa tiyan yung pang buntis talaga.

5y ago

nasa 1450 pero minsan nakasale sila 950 pero gamit ba gamit ko siya.. from 4 mos to 9mos..:)

VIP Member

Sa SM dept store Mommy, ok ang quality at may mga sale items din naman. Ako mostly sale items binili ko basta kasya at comfortable kung suotin. Mostly dress don 400 to 500 nalang. Slacks adjustable 600 ko lang nabili. Mostly half price sila..

Magbasa pa
VIP Member

Sa Taytay, mommy kung meron kang mapapagsabuy-an. Mainit kasi dun. Hindi makakabuti sayong buntis. If I may suggest, mas maganda 2-in-1 na bilhin mo. Yung pwedeng maternity dress/clothes at pwede din easy access to breastfeed para sulit :)

VIP Member

ako puro sa shopee ako nakabili. so far, so good naman quality at magaganda. depende po kasi, tgnan mo muna ung feedbacks ng store at products nla. then ung madami nang nakabili sknla. basahin mo rn mga comments ng mga nakabili

VIP Member

Di nga ko nagdedress masyado kasi for sure di ko na un masusuot after ko manganak ung usually ko lang na suot like candy pants na garter leggings since small size ko sa damit na shirt nagiging medium na ko ganun