Nakakapagod na

Same po ba tayo ng nararamdaman kung ang hubby mo ay palaging nakasimangot, walang effort at walang trabaho? Eh ma disappoint ka feeling mo ang bigat bigat nyang kasama? Simula kase nagsama kami at nagkaanak ako palage ang may malaking parte pagdating sa expenses ng pamilya. Ok na sa kanya na wala syang ambag or kakokonte lang ambag nya.Sa maghapon nakahiga lang sya mag FB atag cellphone. Sa umaga sasabihan mo pa sya na nagugutom ka na bago bumili ng almusal. Opo Sya nabili ng almusal kase sa kanya ko binibigay sahod q noon pa kahit nung una Namin magsama. Ngayon ko nakikita yung feedback na walang asenso sa buhay para akong nakikisama sa tuod. Di din malambing panay pa simangot. Di ko alam kung maselan lang ba ako na asawa or sadyang nagsasawa na ako sa ganitong set up na nag bigat nya kasama sa buhay. Wala magawa dahil kasal kami. Minsan nga naisip ko pakalayo layo nalang para matakasan ko ang buhay na to parang wala na chance na umasenso sa buhay. Napapagod na ako magtrabaho at kunin lahat sa sahod ko lahat ng bayarin. Paano ko mapagaaral ang anak ko Kung samin palang short na kami dba?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kahit naman po di asawa pag yung kasama mo nega maaabsorb mo po talaga. Di po nakakagood vibes. Pero since mag asawa po kayo. You have to uplift each other. If may pagkukulang man po si mister, kelangan po mapag-usapan nyo para maisaayus nya po yung sarili nya. Sa halip na sisihan at pagbibilang ng mga nagagawa sa family.. tinggan nyo din po yung good side ni hubby. Tapos from there ipush nyo po sya to do better or to improve. Minsan kase kelangan lang din ng push para kumilos. Sabihin nyo po in a positive way sa kanya.

Magbasa pa
4y ago

thank u sa answer mo sis ❤️❤️❤️. Naku nagawa ko na yan matagal na panahon na kaso may ugali din talaga sya na mahirap ipaliwanag. Nakikiusap na nga ako na wag ma stress pero ganon pa din tagal na tagal na panahon na ako nag tatyaga sobra.. pero gagawin ko yung advice mo sis thank you ❤️❤️❤️