WORKING MOM NA FULL TIME MOM NA NGAYON

Saludo ako sa lahat ng FULL TIME MOM... Grave sobrang hirap... First time ko maging full time mom at wala akong masabi kundi ang hirap... Alaga kay baby... Alaga kay mister... Wala ka pa sariling pera... Mahirap din po maging WORKING MOM dahil pag-uwi ng bahay kailangan mo pa din asikasuhin ang mga anak at asawa mo tapos bago ka umalis kailangan ayos na lahat ng kakainin nila kapag day-off kailangan maglaba at mag-alaga ng anak... Parehas po mahirap maging FULL TIME MOM AND WORKING MOM... Saludo ako sa ating mga ILAW NG TAHANAN...

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako di ko inaalagaan asawa ko..kasi naiintindihan naman nya na nag aalaga pa ako sa baby..kaya mas inuuna ko ang baby kai sa knya.. Hindi naman sya nagpapaalaga sakin..kc umaalis sya sa carenderia lng kumakain..pag umuwi din sya pag may ulam na dala sya rin nagluluto..kaya kht lasinggero sya, at least di sya demanding..haha

Magbasa pa