120 Replies
Hi mommy sana may sad reaction dito sa tAP, nalungkot ako sobra sa story mo 🥺. 24 weeks na rin po ako. Gusto ko lang din ishare, na maswerte na siguro ako kasi pinanagutan ako nung boyfriend ko. Pero yung sad part for me? Parang napipilitan lang sya magpakasal sakin 😢. Yung magulang ko kasi ang nagpumilit na magpakasal kami sa simbahan. Sobrang galit sila nung time na sinabi namin sa kanilang buntis ako eh. Next year ikakasal na kami bago lumabas si baby. Nararamdaman kong sobrang excited at mahal na mahal nya na si baby namin. Pero tuwing magkakaroon ng aberya sa mga aasikasuhin about sa kasal, ako lagi ang sinisisi nya. Totoo naman yung kinaiinisan nya na bakit hindi ko pinaglaban sa magulang ko na hindi namin kakayanin financially, emotionally & physically yung kasal. Naiintindihan ko naman sya at aware ako sa problema namin. Pero di ko maiwasang masaktan sa tuwing maiinis sya. Sobrang haba ng pasensya na binibigay ko sa kanya at sa pamilya ko, kasi alam kong may mali rin ako. Mali ko sa pamilya ko, na nabuntis ako ng maaga, ako ang panganay, ako dapat ang nagtataguyod at tumutulong sa kanila. Mali ko sa boyfriend ko, hindi ko pinaglaban sa pamilya kong hindi namin kakayanin talaga. Nastress na rin ako ng sobra pero di ko pinapahalata sa kanilang lahat. Pero nilalakasan ko lang loob ko para sa amin ni baby. Stay strong tayo mommy 😞
Ako po hindi ko pinaglaban kasi talo na ko umpisa pa lang. Parehas kaming mali kasi siya ang sabi niya hiwalay na siya sa live in partner niya at may dalawa na siyang anak, ako kasi naniwala ako na wala na talaga sila. Nung sinabi kong buntis ako, lumabas totoo niyang ugali. Pinapaabort niya si baby, sinabihan akong di niya kayang panagutan, pero sa huli sasabihin niyang hindi daw sa kanya yung dinadala ko. Tanga ko sa pag-ibig ever since pero nung sinabi niyang ipaabort ko ang baby, nagbago pagtingin ko sa kanya. Tinapos ko na ang lahat sa amin. Ang ginawa ko, pinabaranggay ko siya para magkaroon ng formality ang sustento niya sa amin at malaman sa kanila na may nabuntis siyang iba. Masakit mag-isa. You know what, ang daming pagsubok na dumating during my pregnancy, walang pera, laging may sakit at may mga times na nahospital pa kaya nagkandautang utang, pero hindi pala ko nagiisa. Kasama ko pala si Lord and He provided everything. Andaming tao na tumutulong sakin, placenta previa ako but believe it or not, never akong dinugo kahit working ako. Grabe miracle ni Lord. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Hindi ka nag-iisa at hindi ka mag-iisa. May plano ang Diyos para sayo. Makinig ka lang sa gusto Niya mangyari.
sis, same tayo. since nalaman niyang buntis ako. nagbago na xa, GUSTO NIYA IPALAGLAG. di ako pumayag. at nung mismong flight ko pauwi ng Pinas, blinocked nia ako para ndi ko na xa makontak. he run from his responsibilities and now he is denying na ndi daw nia baby ang pinagbubuntis ko. dahil ilang beses daw ginawa sa ex nia yun pero ndi nabuntis, bat daw ako na 1st time namin gawin e nabuntis ako, winithdraw naman daw nia kasi. eh sabi ko sa knya, FERTILE ako dat time at ang WITHDRAWAL ay ndi safe. *****walang puso yung ama ng dinadala ko sis. ni piso wala xa support, ako gumastos ng ticket ko pauwi at ngbayad ng visa ko kasi di ako pwede mag stay abroad na ndi kasal. nadepressed ako at gusto ko na magpakamatay pero lagi ko iniisip si baby.. naisip ko na lang na maraming single moms na nakasurvive so KYA DIN NATIN kahit wala ang mga WALANG BAYAG NA AMA ng dinadala natin. ndi ko rin pinapansin mga tsismis tungkol sakin dahil wala naman inambag sa buhay ko mga tsismosang palaka dito samin. atleast ndi tayo ngpalaglag, mas masama yun.
Kung wala pa nmang asawa yung ex mo, Ilaban mo.. Dalawa kayo sa sarap tapos ikaw na lng mag isa mag hihirap? Naging ganyan din situation ko nuon 2 Months ng malaman ko buntis ako, ginawa ko lahat para panagutan nya din to kasi need ko din sya hindi dhil sa sustento kundi dahil "mahirap mag buntis mag isa at ayokong lumaki to ng walang ama". Yung at least "we try" (me and him). Na discover ko my mga iba pa sya kaht alam na nyang buntis na ako. Sobrang nasaktan ako pero tinanggap ko dahil tinanggal nya lahat. Yung mga lalaki naman kaya umaayaw yan dahil takot and/or may iba ng pinagkakaabalahan. For me we can't never say if yung na f feel natin ngayon eh pareho after natin manganak. Basta ang alam ko need ko sya ngayon kaya nilaban ko. In short, ginulo ko sya, ipinaglaban ko yung mga gusto ko mangyari. 😂 Now, png 6Months nko at everynight sya umuuwi after work kaht 50kms layo ng work nya. Bumabawi na sya. Kaya mo yan Moms. Iwasan mo pa depress gawin mo gusto at need mo dahil hindi lng ikaw gumawa nyan.
Sis. Hindi ka nag iisa. I feel you. We feel you. Ganyan din ako... Minimessage ko baby daddy ko kahit hindi naman ng rereply at siniseenzoned lang ako. Ini update ko lagi hanggang sa sya na mismo ng change ng number. Binlock nya kasi ako both sa fb and insta. Whatsapp nalang pero ng change number na. Ang hirap na laging tinatanong. Pero natanggap ko yan mga 5 mos ata ako tapos since nun na may ng tatanong.. Tinatawanan ko nalang sabay sabing nalunod na sa mainit na sabaw. Minsan din sinasagot ako.. Saken ka nalang ma'am, malakas akong humigop ng mainit na sabaw. Di ako malulunod. Kinaya ko naman 33 weeks preggy here. Kaka contact lng ulit sakin ng baby daddy 1 week ago after 3 mos missing in action. Sabi susuportahan naman daw yung baby pag naka panganak na. Kahit gustong gusto kong magalit at pairalin pride ko.. Pero kelangan ko talaga ng financial help and gusto ko din makilala ng baby ko daddy nya. Pero kaya natin to. Laban lang.
Alam mo momsh di ako nagpapaawa sa tatay ng baby ko. May isip yan eh. Kung totoong mahal ka nyan di ka nya iiwan ngayong nasa situation kayo na dapat nagkakapitan kayo sa isa't isa. Nakakastress lang lalo. Inayawan na kami ng father ng baby ko and di ko siya hinabol. Tho nagtetext siya and nagsasabi ng wishing you a normal and safe delivery. Sinasagot ko sa kanya di ko need yang prayera nya for us. Feeling nya tropa kami? Na gagaan loob ko sa pawish wish nyang yan. Neknek nya! Sabi ko nga bakit pa siya nagpaparamdam wh inayawan nya na kami. Lol. Kaya momsh. Hayaan mo na yan. Masstress ka lang. Nakakastress ang ganyang lalaki walang paninindigan. Walang balls yan. 🤣 Isipin mo na lang yung baby mo. Kapakanan nya. Ipakita mo sa kanya na kaya mo kahit wala siya. Just be strong. Okay? God is always with you. Love you momsh! God bless always. 😇
Hindi po sa ganun. Malungkot lang talaga siya. Intindihin mo na lang si sender. Syempre lahat tayo gusto may tatay ang anak natin. Pero nakakalungkot na may mga lalaking gusto lang sex pero pag nagkalaman na mang-iiwan na lang basta.
Hindi yan paawa effect. Kahit sinong nanay na may malasakit sa magiging anak nya, malulungkot pag naiisip nilang lalaking walang tatay yung bata. Saka mahal nya yung tatay e. Hindi naman ganun kadali mag let go lalo na't iniwanan ka pa ng napakalaking responsibilidad. May ibang mommies lang talaga na matatapang para hayaan na lang yung mga gagong lalaki na nang iiwan sa kanila pagtapos silang anakan pero may iba rin naman na di kinakaya agad agad. Parang tuwang tuwa pa kasi kayo na may nangyayaring ganyan sa kapwa nanay nyo porket maswerte kayo at di nyo yan nararanasan imbis na mag apply kayo ng empathy. Nasaan mga instincts nyo bilang mga ina? Para sayo naman mommy, stay strong. Iwanan ka man ng bf mo, nandyan pa rin naman yung anak mo. Hinding hindi ka nyan iiwan. Iparamdam mo na lang kay baby lahat ng love na deserve nya.
May point si mommy! 😂💪💪💪
First baby ko din ang pinagbubuntis ko ngayon moms, at wala na din siyang makikitang daddy paglabas kasi wala na yung tatay, iniwan na kami literal na iniwan(nasa heaven na) not like you, pwede ka niyang balikan para sa baby mo, pwede kayong bumalik ulit sa dati para mabuo ang pamilya niyo, pero sakin,wala ng pag asa.. Skl hahaha inggit din yung nararamdaman ko sa ibang mommy kasi kasama nila yung mga husband nila sa paghihintay sa paglabas ni baby nila, tayo?? Walang nang asawang excited makita si baby, wala nang asawang magchicheer up sayo sa oras na nahihirapan,wala tayong kadamay, wala tayong pagdadaingan ng sakit, nakakalungkot lang isipin na, hindi pa lumalabas si baby, wala na siyang makikitang daddy, pero kahit ganon moms, magtiwala lang tayo kay God. Everythings happen for a reason.. Kakayanin natin to mag isa..
Eh iba na kaso mo. Siya hindi siya mahal 😂
Kaya mo yan sis. Nakipaghiwalay rin ako sa boyfriend ko nun, di ko pa alam na preggy ako. Kasi aalis na siyang us to work, hindi ko kaya ang ldr. Pero nung nalaman kong buntis ako, kinausap ko agad siya. Di ako nagexpect na magbabalikan pa kami non ang akin nalang para sa baby. Pero humingi lang ako ng guidance kay Lord. Sabi ko siya na ang bahala sa magiging plano niya saamin. Ngayon, okay na kami ni boyfie 😊 siya yung nakipag balikan. Hindi dahil meron na sa baby kundi dahil di naman daw talaga nawala pagmamahal niya sakin. Mag usap lang kayo sis. Yun lang ma advice ko. Kahit nasa malayo siya, di nawala yung palagi naming mga deep talks. Kaya mas naging okay kami ngayon 😊 fighting lang sis. Always pray. Malay natin diba? Wala namang impossible 💙
Yes i agree. Sa case ko, nilinaw ng boyfriend ko na kahit wala raw si baby babalik at babalik parin daw siya. Pag usapan niyo lang talaga ng maigi yan sis kung ano ang magiging plano niyo. Yun lang talaga ang susi, masinsinang usap 😊
Same po tau ng situation na nlaman ko po na buntis ako nung hiwalay na po kmi pro bilang ama ng anak ko po he has the right to know kya I informed him right away nung 2x po ako nag PT at puro positive tlga. Nagresponse nmn po cia in a good way na suportahan po nia anak nmin ( but im still praying and hoping na pti po sna ako is panindigan nia, i mean mpksalan someday po kz until now super love ko prin po xia ). Nagchachat po kmi ganun prin. Anyway po momshie, isipin nlng po ntin si baby ntn. Tsaka as long as anjn si Lord to guide us at ung family ntn na ngsusupport pra stin, I know we can make it. Alam ko po na excited po tau na mkta c baby ntn someday maipanganak cla:) Cheer up momshie and keep on praying:)
Anonymous