???

Ano reaction ng tatay nyo nung nalaman na preggy kayo? ?

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hinde alam ng tatay ko kasi i was in Cebu working that time. at di ko sila sinabihan about my situation there. Cguro magkahalong kaba at takot c Papa nuon kc hinde pa kme kasal ng bf ko. That time magulo isipan ko kasi may foreign bf din ako that time thru online which i believed na siya na makatuluyan ko kc seryoso sya, naniniwala talaga ako na sya na magiging asawa ko but things changed. It was complicated on his side kasi may nagawa syang unlawful, til now he's beyond the bars i guess. Hinde na ako nakipag comm sa sister nya. Then i continued my comms with him thru letters at tumagal ng halos 1 year. Along the way, may dumating na iba who happened to be my co worker, so my relationship with my foreign bf, naging malabo na kc parang nppagod na ako mghintay sa kanya. Ngayon hinde alam ng Papa ko na may bf ako sa Cebu, kaya hinde malayo mahulog ang loob ko sa kanya kasi mabuti nman syang tao at sa tingin ko naman na isa syang family-oriented na tipong tao. Kaya dun, naibaling ko sa kanya ang pagmamahal na binigay ko nun sa ex ko. And now im married with him for 2 years na. We have 2 kids na. Unfortunately, hinde na nakita ni Papa ang second baby ko kc he passed away last June 2018, It was Father's Day due to cardiac arrest. I was 2 months pregnant with my 2nd baby. Naremember ko nman c Papa and maybe if buhay pa sya hanggang ngayon, im sure masaya sya kc dalawa na apo niya. 😢 I know he's now in heaven together with our Lord God. May nagbabantay na sa amin na guardian angel. Pa, i miss you very much and I love you. Pasensya na mga momshies, naishare ko d2 yung love story ko at nangyari sa Papa ko. Kasi naman po yung tanong eh, i juz suddenly remember my tatay...😢

Magbasa pa

nagalit nung una muntik pa ko mapalayas pero after 2days nung nalaman nya biglang nag bago lahat ... nakapag isip na cguro sya kaya tinanggap nya din ung pagbbuntis ko kaya ngayon ok na kasi alam na ng buong fam. ko ung sitwasyon ko ngayon :) 4months preggy here.

Hindi po showee si daddy eh. Hahahaha pero nung sinabi ko na dito ako sa bahay niya mag stay before and after manganak since cs po ako. Iniready niya agad yung kwarto na titigilan namin mag asawa. Pati yung pag pupwestuhan ng crib ni baby.

Naiyak yung daddy ko pero tuwang tuwa naman sya. Excited pa samin ni bf na makita ang apo nya hahaha. Tpos gusto lahat ng gamut bago damit,crib,stroller etc. First apo kasi e 35weekspreggy

masaya sya kahit unexpected ung pagbubuntis ko. nsa ibang bansa sya kaya tru vc ko lang nsabi sa knya. ang nanay ko naman sobrang iyak. nagalit kase d pa kase kasal that time.

VIP Member

wala... si mama nagsabi haha... sb lng daw ni papa "buntis pla bat puyat ng puyat" tapos d naman namin napag uusapan ni papa kahit araw araw kami magkakwentuhan 😂

nagulat sya sa una pero kalmado lang father ko.then happy ako kasi d naman sya nagalit.ang worry lang nya gusto nya ng assurance dun sa bf ko (husband ko na ngayon).

Hi po wala pong ama na matitiis ang kanilang anak so yun na nga po di po sila nagalit mas naexcite pa po sila sa paglabas ng baby girl nmin ☺💕

naiiyak daw siya nun, chinat ko lang OFW kasi siya. pero after nun lagi pa ako kinakamusta pati si baby at bibili niya pa daw ng hikaw hehehe. first apo kase

Sobrang saya nya. Kasi mag kaka apo na sya and besides matagal na daw nya gusto makita ang apo nya sakin. Lagi nga advice everytime na magkausap kame.😊