Heartbreaking

Sakit sa puso nung balita kagabi regarding dun sa iniwan na baby sa may halamanan ng bahay. πŸ’”Sana pinaampon na lang nung nag iwan sa bata kung plano rin naman niyang iwanan kung saan-saan lang. O kaya sa DSWD na lang niya iniwan, mas safe pa. Nakakaiyak. Nakakaawa yung bata, pwedeng ma-infection at magkasakit pa yun dahil sa halamanan lang iniwan. Imagine kung ga'no na katagal si baby dun, baka may mga insekto nang dumapo sa kanya. Ang sakit talaga sa puso. πŸ’”πŸ’”πŸ˜­πŸ˜­ Nakakagalit. Nakakaiyak isipin na may mga ganito talagang tao na kayang abandonahin ang walang muwang na sanggol. Ang daming gustong magka-baby na 'di mabigyan-bigyan, ang dami rin gustong mag-ampon na mas kaya pang magbigay ng pagmamahal dun sa bata kahit 'di nila kadugo.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Di ko napanood yung news na yan pero sa nabasa ko dito.. nakakalungkot. Sa hirap ng buhay naaatim ng mga magulang na iwanan na lang ang mga bata. May nakita pa ko binebenta naman. Sana okay pang si baby. Baby ko nga di ko nilalabas kase uso ang sakit tapos un iniwan lang sa labas. Sana maayos na sya ngayon.

Magbasa pa