SAFE PO BA WHITENING SOAP SA BUNTIS

SAFE PO BA ROSMAS KAGAYAKU WHITENING SOAP?? SA BUNTIS 11 WEEKS PREGGY PO AKO

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naitanong ko na po 'yung topic na 'to sa OB ko. No to whitening products daw po muna, saka na lang daw po magpaputi, or kung anuman po 'yung gusto natin i-address sa body niyo na connected sa whitening. In my case kasi, 'yung leg scars ko lang naman due to scratches ng mga pusa namin. Pero hindi pa rin in-allow ni OB, saka na lang daw 'yun. Even sa lotions, baby lotion ang ni-recommend niya sa'kin. Ipinamigay ko muna 'yung mga skincare items ko sa mga pinsan ko para 'di masayang. For me, better po if titiisin ko na lang muna 'yung whitening and beauty products na alam ko pwede ma-harm si baby. Besides, ilang months na pagtitiis lang din naman. Hindi rin naman po kasi tayo sasagutin ng influencers 'pag may nangyari sa'tin and kay baby. Stay safe, mommies! ☺️

Magbasa pa