Baby sleeping on her tummy

Sabi sa mga nababasa ko, wag muna raw patulugin ng padapa ang baby kung di pa sya nakakaroll over. Pero si baby mas nakakatulog ng mahimbing on her tummy kahit wala pa syang 2 months old. Pag hindi sya nakadapa, madali syang magulat at nagigising. Sundin ku po ba ang tamang sleeping position o pagpatuloy ko na lang syang patulugin sa posisyung komportable sya?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

si baby ko din. mas prefer nya nakadapa kaya ang ginagawa namen, natutulog syang nakadapa either sa akin or kay hubby. ayaw nya na nakahiga sa kama or duyan, agad agad syang nagigising. so far okay naman sya, yun nga lang sobrang nakakangalay at nakasanayan nya kaya hirap na hirap kame kapag ihihiga sya sa kama. lageng umiiyak pag di nakadapa.

Magbasa pa