Hello po. Mag ask lang po ako. Pina checkup ko po kasi anak ko kanina na isang buwan pa lang.

Sabi po ng pedia nya ipa x-ray ko daw po para makita kung may lamat na sya sa baga nya. Kasi 4days na po syang inuubo. Eh ang nasa isip ko po ay baka di pa pwede ipa x-ray gawa ng radiation baka masama pa sa kanya. Pakisagot po please. Salamat po

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

aay sis kung ako ikaw matatakot tlaga ako ubo ba naman ng 1month old baby mo is 4days na. Pwd yan mauwi sa pneumonia na kapag lumala at hnd agad nagamot pwd ikamatay. hnd naman yan isuggest ng Pedia kung bawal. yan sinsabi ko lagi ang ubo/sipon hnd yan pinapatagal, Pinapacheckup agad yan kasi kahit wlang plema pwd yan lumama at maging pneumonia. Yan ang bilin ng Pedia namin. Kaya anak ko ever sinxe hnd inaabot ng 3days ang ubo/sipon kasi 1days palang pinapacheckup ko na. Mas mahal po magpagamot sa malalang sakit kaysa ipacheckup agad ang bata.

Magbasa pa

as in ubo po talaga? Kase nun 1 month din si baby uubo ubo din nun Pina check up ko sa pedia Wala nmn daw problem sa lungs. normal daw na ganun si baby. check mo po Yung part sa may side Ng leeg ni baby s papunta dibdib pkiramdaman mo if may natunog ba pra halak o plema. gantan daw Kase gwin ko Sabi Ng pedia

Magbasa pa

sakin mii ngkaubo din po ang baby ko ng 1 month pero di nya ko nirecommend na mgpaxray po. di rin po kase pwedeng painumin ang baby ng gamot pa kase masyado pa daw pong bata. ang suggest lang po ng pedia ko ay nebulizer po. sa awa nman po ng diyos ay nawala po ubo nya in just 1 week po.

Pwede na po mommy kasi ung baby ko 2wks siya nung na-xray due to neonatal pneumonia po. Mas nakakamatay po ang pulmonya kaysa xray po. Ung magi-xray na po ang bahala since aware nman po siyang baby ang patient. Hindi din po ipapagawa ng pedia mommy kung risky kay baby.

VIP Member

I would follow the reco po ng pedia. Kasi ang ubo po sa newborn is already something to worry about. Kaya mas mabuti na po to do the xray. Pero kung hindi po kayo convinced, pwede naman consult muna kayo sa ibang pedia and see kung same ba magiging recommendation niya.

Di naman po irerequest ng Pedia kung di po safe kay baby. Naalala ko nung magpapa vaccine kami may newborn binasa yung x-ray ng bata dahil may pnuemonia at covid.

VIP Member

alam naman ni pedia kung ano ang mas better Kay baby mo, Ikaw po bahala kung ayaw mo sundin na ipa x-ray ang bata.

Related Articles