Payat lang
Sabi nila, payat lang daw ang baby ko kaya mabilis siya nakakagapang at nakatayo. 3 months palang kasi ay nakadapa na siya. Between 5-6 months ay gapang at upo na. 7 months nakakatayo na at nakakagabay na. Yung mga kasabayan ko kasi ay 6 months saka pa lang nakakadapa pero di pa nakakagulong. Tapos nung 7 months na rin baby nila ay ganun pa rin. Kasi daw mataba ang babies nila at di mabuhat sarili, payat lang daw baby ko kaya nabubuhat at nakakaya yung sarili. Ngayon pare-parehas na 8 months mga anak namin, si baby ko ay marami na nagagawa. Minsan nakakatayo siya na hindi nakahawak sa crib niya. Yung baby nila ay di pa daw mabuhat sarili kasi mas mabigat daw baby nila. Saka nauuna daw brain development ng anak nila kaysa sa anak ko. Nababother lang po talaga ako kung payat siya talaga. Nung nakaraan lang po ay napacheck ko siya kasi nag-ikot yung sa center dito samin. 8 months po si baby ko, 62cm at 7kilos. Payat po ba yun? Ano po ba pwede kong gawin? Nag-aalala lang po ako kasi baka daw malnurished to at nabubuhat sarili unlike sa mga anak nila na ang lulusog at ang tataba daw. Salamat po. PS. Hindi naman po sakitin si baby