totoo

sabi nila kpag bilog na malapad ang tyan mo babae tapos maganda ka magbuntis kapag lalaki bilog na patulis tapos pangit kadaw kapag nagabubuntis totoo ba to ?

95 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May nagsabi din nyan sakin😭😭 pumunta kasi ako hosp kahapon nagpa laboratory. Nakita ko friend ko, ang pangit ko daw at ang haggard, pinipimples din daw kasi ako at mukha daw ako inutusan lang bumili ng suka. 😅 di naman kasi ako nag ayos dahil di naman pasyalan ang hosp tsaka mga dress ko dito parang ang OA naman isuot kug hosp lang pupuntahan ko. Tsaka tinatamad din talaga ako mag ayos kasi maaga pa gising na ako mga 4am at masama pakiramdam ko so ayon na nga. Dahil ganon itsura ko, verdict nya eh lalaki ang pinagbubuntis ko😅 nurse po si friend😅

Magbasa pa
TapFluencer

mga mommies minsan nagsearch ako sa google kapag nagbuntis ka dw na ikaw ay nag iiba ang itsura means it's a girl dw ang dinadala kasi maaaring inaagaw dw ang iyong ganda ng iyong dinadala, kapag naman dw blooming ang nagdadalang tao means ito dw ay isang lalaki 🥰 Tandaan: Ang mga nakasulat o nababasa nyo ay pawang gabay lamang nasa ultrasound padin ang makapag sasabi ng kung ano ang tunay na kasarian. Nabasa ko lang po kasi sa google yan Hehe 😅

Magbasa pa

As my experience sa panganay q at etong pinagbubuntis q ngaun medyo totoo ..sa panganay q blooming ako lahat ng matatanda sabi nila.noon baby girl and yes its baby girl no ultrasound pa noon😅😅😅..nalaman q lang nunh lumabas na..and etong pangalawa q naman im 38weeks pregnant..bilog na matulis...and its a baby boy☺☺☺..pero di naman po masyadong umitim leeg q 😊😊..thats all i can say base on my experience lang naman 😅😅😅...

Magbasa pa

Di po totoo yan mommy... Kasi po ako 3rd pregnancy ko na ito, meron akong babae at lalaki and now I'm expecting a baby girl so far pare-pareho po ang shape ng tummy ko. Di po yung shape ng tummy ang mag di-determine ng gender ni baby. Para sure ka po, sa ultrasound po mas accurate😊

Not true, ang hugis ng tyan ko bilog na bilog, at madami nagsasabi Baby girl kasi blooming daw ako at di nagbago itsura, may kasabayan ako mag buntis Baby boy kanya nagbago itsura kaya inexpect din nila Girl sakin. Pala ayos din ako pero Baby boy sakin 😊

Depende po siguro or nagkataon lang sis. Pero sakin dami nagsasabi na baby girl daw kasi pabilog tummy ko at blooming daw ako, and it's a baby girl nga nung nagpaultrasound ako. Im 29 weeks preggy now.😊😊😊

Sana hindi totoo haha, haggard ako magbuntis e. 20 weeks nako super excited narin sa gender (sana girl 😁) pero ayaw ko pa magpa ultrasound baka kasi hindi pa makita.

Hindi totoo sis. Ako kasi girl si baby pero ang dami ko pimples tas haggard 😂 panget kung panget kainis 😂 tas ang itim itim pa ng leeg at kili kili 😂

Depende po yan.. Pero sa akin marami nagsabing babae kasi blooming daw ako pagcheck ko ng ultrasound ang gender ay babae. Baka nagkataon lang din.. Dunno.. 😊

pabilog ang tyan ko pero baby boy, tapos mas blooming daw ako nung buntis kasi nawala mga pimples kesa nung dalaga kasi puro pimples walang paglagyan 😂