45 Replies

Wipes naman gamit ko, okay naman baby ko. Wala naman rashes or kung ano. Healthy naman sya. Mag 6mos na sya ngayon. If ever nasabi ng Mother In Law mo na bawal, hmm baka pwede hingian mo sya ng explanation bakit bawal. Kung dahil lang sa pamahiin, siguro, mas unahin mo nalang instinct mo kasi ikaw naman ang nanay ng baby mo…. Mas alam mo ano mas good sa kanya. If di ka pa rin panatag, mas okay na magtanong sa pedia. Clarify lang. sayang dn kasi kung nakabili ka na tapos kokontrahin ka lang dahil sa pamahiin. Pero kung valid reason naman , sundin nalang natin. After all, kung mas maganda para sa babae na baby yung cotton and warm water , mas okay na gamitin yun. Yung baby ko kasi boy sya so sa tingin ko less sensitive kesa sa baby girl.

kung newborn pa si baby mas mainam po talaga ang Bulak + warm water... advised din yan sa hospital kasi mas less irritation .. I think sa baby ko mga hanggang 3 mos old ko siya Bulak lang sa nappy area kasi EBF madalas mag poop Pag wipes gamit mabilis magka rashes .. check mo kung hanggang kelan expiration date ng wipes mo kasi yung mga nabibili ko upto 2025 pa... madami din ako mag stocks buong cabinet puro wetwipes at diapers... Pero nung Yun na gamit ko wipes nauubos na din namin .. kaya yung sayo pwede mo yan stock pa di naman yan masasayang lalo na Pag lumaki na baby mo

If girl ang anak mo and nasa house lang kayo, much better po talaga ang bulak at tubig. Iwas rashes na din kasi kay baby. Mas kontento din ako sa linis ng bulak at water kasi yun nawawash talaga singit singit ng keps ng baby, iwas UTI na din, mas tipid pa 😊 hindi naman bawal ang unscented wipes sa baby, basta walang alcohol, and moisturizer pwede mo siyang gamitin kay LO. Nagamit lang kami ng wipes if madaling araw nag poops si baby (hassle lumabas ng room para kumuha ng warm water) and kapag nasa labas for check up or gala 😁

Hindi naman po bwal ang wipes pero better yung cotton with warm water lalo na kung bebe girl kasi mas prone sa uti ang mga girls kasi mas maiksi ang urethra naten compare sa mga boys. Mabilis makaakyat ang bacteria sa loob kaya nagkakauti. Ako gngawa q cotton balls(bonus para super mura lang and quality) with warm water kahit gano pa kadami ang dumi, then saka q iwiwipes and dry tissue pangtuyo. Magastos masyado gingawa q pero mas prefer namin mag asawa yun para mas malinis baby girl namin at matuyo kagad.

VIP Member

Baby ko 4 mos na pero naka cotton and water pa din panglinis. Sobrang prone sa rashes pag wipes ang gamit. Ginagamit lang namin wipes pag nasa labas then pag uwi linis agad with water. Ginagamit din namin pag poop para lang mabilis malinisan pero after kinocotton and water ko pa din. Sobrang lambot ng gamit kong wipes pero namumula pa din talaga singit pag wipes gamit. Minsan kala natin diaper ang problema pero sa way talaga ng pag linis.

For me mas ok talaga ang Bulak at water sa newborn bukod sa mas mura siya e mas nakakaiwas sa rashes at hindi din magaspang Pag pinupunas sa pwet ni baby... at syempre kahit sabihin natural at unscented ang wipes meron pa rin yan added ingredients.. pwede naman mag unscented wipes kung magttravel kayo.. kami nga kahit magttravel nung maliit pa baby ko cotton balls at tubig pa rin dala namin sa car kasi mas ok talaga siya.

di naman bawal pero mas ok talaga cotton at warm water, pero ang ginagamit namin yung cotton na malaki, yung naka rolyo, hindi yung cotton balls. yung pagkakatanggal namin parang tissue para malaki yung mapupunasan hehe para ka na rin gumamit ng wipes. if it makes sense 😅 you can use naman yung wipes pag aalis. yung wipes na nabili ko since newborn, 8th month ko na nagamit 😂

usually sa newborn po hanggang 3months bulak at water, kasi yun wipes malamig lalo na kapag naka aircon po..malamig lang para kay baby kami nung newborn si baby warm water at bulak sa travel at kapag di kaya ng cotton tsaka kami nagwawipes. mag 4months na sya, nag wipes na ko pero minsan prefer ko pa din mag bulak and water para mas malinis lang lalo na pag wiwi lang :)

mas maganda mamsh pag bulak or dry wipes & warm water. ung mga na wet wipes kase madaming chemicals kaya di advisable kahit na unscented pa yan *accdg to pedia*. pwede mo pa rin naman magamit yang mga nabili mo pag malaki laki na si baby, like 1yr ganon, pero pag newborn pa or below 1 yr better na water lang at bulak/dry wipes. less is more ;) hope this helps

Naku Hindi naman bawal. 5 months na baby ko hindi naman nagka rashes. Yan gamit ng baby ko, affordable saka makapal. Sa 2nd child ko, nag cottonat water lang ako. Medyo hassle din un. Nag wipes lang ako nun pag aalis.. Sa 3rd baby ko timamad na ko hhahaha kaya wipes na lang. Minsan pag madami pupu, hinuhugasan ko na sa cr.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles