Shit Life ???
Sabi ng partner ko sasakalin daw niya ako samantalang buntis ako, 4 months na. Lasing kasi siya ngayon. Sa takot ko, hindi na ako nag pakita sakanya. Na sa side po ng Family niya kami ngayon. Nahihirapan na po ako. Akala ko mag babago pa siya pag nabuntis na ako. Hindi pala. Stress na stress na po ako! ???

Hi mommy. Nakakaloka talaga ang mga lalaki... Magaling lang pag nagsisipanligaw... Hindi ko din alam kung bakit tayong mga babae e naniniwala na magiging responsable sila pag nagkaanak na sila sa atin... 2 na din ang baby ko, pero sobrang bitin sa effort si mister. Oh well. Naku mommy, ang maipapayo ko lang sayo, kahit mahirap, ay wag ka magpastress. Magfocus ka kay baby mo. Humingi ka ng payo sa pamilya ng partner mo, kung paano ang mainam na gawin mo, para mapruteksyunan ka at ang bata. Umuwi ka muna sa mga magulang mo. Teka, nag-apologize na ba sayo partner mo? Pero kung ako ang nasa lagay mo? Hihiwalayan ko na yan habang maaga pa, hihingan ko na lang ng sustento para sa bata. Pero kung ayaw niya, di wag, iapelyido ko sakin ang bata. Hindi magandang pinagbabantaan ka niya, lalo at buntis ka. Di magandang environment o ehemplo sa bata ang ganyang klaseng ama/lalaki. Wag mo na hayaang maging dalawa pa anak niyo, mas mahirap na kumalas. Pag-isipan mong mabuti. Iprioritize mo ang needs ni baby, wag kang magpastress, makakaapekto yan sa bata. Magdasal. Humingi ng suporta sa mga mahal sa buhay. Goodluck! Sana safe kayo ni baby.
Magbasa pa

