Shit Life ???
Sabi ng partner ko sasakalin daw niya ako samantalang buntis ako, 4 months na. Lasing kasi siya ngayon. Sa takot ko, hindi na ako nag pakita sakanya. Na sa side po ng Family niya kami ngayon. Nahihirapan na po ako. Akala ko mag babago pa siya pag nabuntis na ako. Hindi pala. Stress na stress na po ako! ???
Hi mommy. Nakakaloka talaga ang mga lalaki... Magaling lang pag nagsisipanligaw... Hindi ko din alam kung bakit tayong mga babae e naniniwala na magiging responsable sila pag nagkaanak na sila sa atin... 2 na din ang baby ko, pero sobrang bitin sa effort si mister. Oh well. Naku mommy, ang maipapayo ko lang sayo, kahit mahirap, ay wag ka magpastress. Magfocus ka kay baby mo. Humingi ka ng payo sa pamilya ng partner mo, kung paano ang mainam na gawin mo, para mapruteksyunan ka at ang bata. Umuwi ka muna sa mga magulang mo. Teka, nag-apologize na ba sayo partner mo? Pero kung ako ang nasa lagay mo? Hihiwalayan ko na yan habang maaga pa, hihingan ko na lang ng sustento para sa bata. Pero kung ayaw niya, di wag, iapelyido ko sakin ang bata. Hindi magandang pinagbabantaan ka niya, lalo at buntis ka. Di magandang environment o ehemplo sa bata ang ganyang klaseng ama/lalaki. Wag mo na hayaang maging dalawa pa anak niyo, mas mahirap na kumalas. Pag-isipan mong mabuti. Iprioritize mo ang needs ni baby, wag kang magpastress, makakaapekto yan sa bata. Magdasal. Humingi ng suporta sa mga mahal sa buhay. Goodluck! Sana safe kayo ni baby.
Magbasa paBased on my experience mag 2 na baby namin. Akala ko din magbabago na sya pag naging dlwa na anak namin sknya pa mismo nanggaling na babawi sya sa pagkkulang nya pero d nya kinaya hanggang umpisa lng tlga sya mas naging worse pa sya ngyon. Sana maging okay kana ngyon sis same tyo nastress ngyon pero pilitin mo dn sarili mo na wag muna syang intindihin kahit mahirap push mo para kay baby.
Magbasa paNasan ka ngayon, mommy? Nakakatakot naman yang partner mo. Di ka ba pwedeng humingi ng tulong sa parents ng partner mo or sa parents mo? Scary, if may mapupuntahan ka na iba na malayo from him gora ka na don. Doble ingat po mommy 🙏
Based on my own experience nka 3 baby nako. Pero ung partner ko hnd p dn nag babago lumalala pa ata actually. Be strong for you and your kids.
Mas maganda kung may iba kang matutuluyan yung may kasama ka lalong lalo na sa gabi dun ka muna. Wag mo na po paabutin na gawin nya.
Ingat ka momsh, kung ganyan magisip hubby mo mabuti pa ngang wag ka na magpakita dun.
Hindi totoo na kaya mong mapabago ang isang tao. Kusa nila ginagawa yun dahil nila.
take care! tama baka pwedeng uwi ka muna sa inyo
Kausapin mo asawa mo.
Wag ka na magpakita.