9 weeks ako lang ba?

Sabi ng ob ko masyadong malaki ang tyan ko para sa 9 weeks , mahigit isang bwan na ko nag titiis sa sakit ng sikmura ko tapos ang bibig ko ang pait pait, kailangan lagi ako my kinakain kaya siguro lumaki ng ganito,may mga nakaranas din ba ng ganito, anu po mga ginagawa nyo

9 weeks ako lang ba?
70 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iwas po kayo sa carbs and sweets mommy, I suggeat that you start your green diet already baka po kasi mag-lead sa gestational diabetes sa katagalan. Para din po hindi masiyado lumaki si baby mo and for his/her safety na din. Everything po na kinakain natin, nadedeposit sa inunan yan where the baby gets the nutritions, kung puro po sweets and carbs and kinakain natin, sugar po ang nadedeposit kay baby, yun yung naa-absorb niya. Baka po mahirapan kayo kinalaunan and mag-lead sa CS. You may also search na din mga negative impacts ng GDM sa mothers. Be a sexy preggy and stay safe po!

Magbasa pa

ako 10 weeks pero ang laki din ng tiyan ko...same tayo parang di ko mawari panlasa ko lahat matabang na ewan. lahat ng lang ng pwede kainin jinahanap ko panlasa ko. papa transviganal ultrasound kami to check if im carrying 1 or twins and para malaman exact age ni baby

malaki talga sis kasi sakin di pa halata nung una lang sya malaki siguro kakain ko din kay ganun kalaki. pero now di na ako masydong kumakain. 12 weeks and 5 days palang sakin pero maliit palangparang bilbil lng

mataba napo ba kayo bago mabuntis? wag po masyado sa matamis at carbs. para iwas sa diabetes at iwas narin ma cs. mahirap mamsh pag sobrang laki. hindi lang si baby,kundi ikaw. balansihin mo din mommy ang pagkain.

ano Po instructions sau Ng ob mo? kc momsh Malaki nga siya para sa 9 weeks. sinabihan k b mg p ultrasound n? para mlaman habang 1st trimester plng mlaman Yun aog. at Kung bka twins Yan ganurn.

Anlaki ng tummy mo sis para sa 9weeks . Magkasing laki na tau ng tummy 33weeks nko ❤ diet diet ka lang momshie, baka mahirapan ka nyan manganak, more on fruits ka less kanin or carbs..

malaki nga po. nung 9 weeks ako. flat tummy pa po 😅 16 weeks napo ako ngayon pero mas malaki po yung baby bump nyu sakin 😅Diet na po. mahaba haba pa po ang journey ng pag bubuntis.

mag 22weeks na ko pero mas malaki pa po tyan nyo saken momshie hehe. Hindi naman ako umiiwas sa matamis pero maliit tlga ko mag buntis same ng ate ko nung preggy sya hehe.

malaki tummy nyo mommy. 18 weeks na ko pero parang busog lang. Matakaw ako nung 1st term ko pero di na masyado ngayong 2nd. Magveggies and fruits po kayo and more water.

wow. 9weeks here momsh but still wala pang baby bump hehe chubby kasi ako parang bilbil pa lang yung akin. na overwhelmed po talaga ako. nag laki ng tyan mo for 9weeks.