Love at First Sight?

Saan mo nakilala si hubby? Kilig ba agad?

Love at First Sight?
287 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa school po. High school classmate. Hindi po love at first sight e, binibiro lang nya ako dati pero nagkagusto talaga ako sa kanya non hehehe. Nung 3rd year college naging kami! 🤭🤭

Sa school. Practice Teacher ako at teacher na siya that time. Once ko lang siya nakita but we share the same room. Years after, sa school kami ulit nagkita pero magkaklase na kami sa masters...

Sa office. Hindi ko sya bet pa that time, kuya pa nga tawag ko kasi I was just 21 that time. Nagustuhan ko na lang sya 2 years later, tapos sya pala noon pa nya ko bet, nung 21 pa lang ako 😂

Classmate ko po c hubby nung Grade 6 kami.. And no, it wasn't love at first sight.. Isa kase ako sa gumagawa ng love letter nya para sa crush nya noon.. 😁

church kami ngkita..2 weeks na ligawan at ilang buwang mgkarelasyon lng nong 2018 ..engaged na agad 2019 tapos pakasal ng oct 2019..have a baby 2 mos at 8 days na ngaun..

Sa office kami first meet magka work kami. Hindi love at first sight. Sa mga ayaan sa labas with colleagues kami naging close then text text, date, hintayan papasok sa work. hihi 😍

kinder classmate then nagkakilala ulit nung summer ng 2nd yr high. mama ko lang nakapansin na classmate ko daw sya nung kinder kami, upon checking sa class pic. same class nga kami.😆

Kawork ko sya, pero nasa branch sya nun nung time na nag apply ako sa work namin ngayon. Love at first sight kay hubby hehe. Siguro destiny ko talaga sya now we have an angel na ♥

VIP Member

Sa fast food restaurant where in parehas kaming crew. Hindi sya love at first sight for me pero sabi nya sakin sa part nya oo daw. 😅😊

Sa trabaho ko sya nakita pero d ko sya napapansin that time😂 tapos nakita nya ko nag ka crush sya sakin.. Panay na pala ang papansin nya sakin noon hindi ko lang alam🤣