51 Replies
Kami po ni hubby ay pandemic wedding in the middle of planning sobrang struggle po umabot kami SA point na to cut down the size at change venue..but we are truly favor and blessed nabigyan kami Ng maayos at magandang kasal "rustic intimate weddings" last Dec.12.2020 ☺️ ps: share ko Lang din DIY na ung kasal namin ung husband ko ung tumayong wedding coordinator from our supplier to venue, from pakikipagatawaran sa mga supplier Ng souvenir at wedding bouquet sya ung aligaga tapos sya din ung paulit ulit nakikipag set Ng meeting sa venue namin 3 Beses Kasi nag change Ng PAX Kasi ang hirap tlga e manage stressful Kasi ung MGA parents namin e invite Ng invite😂 e limited nga lang, Ako namn ung gumawa at nag layout Ng wedding invitation namin Ako din ung nag edit Ng pics namin during prenuptial shot.( Forte ko Kasi un) Pero Hindi patalo si hubby sya ung wedding singer ko😂 man of hour talaga ang peg nya nun ngaun looking back I can't imagine the stress that we go through during those times.
kinasal kami Nov 8 2014 sa Holy Family Church GMA CAVITE,1st anniversary ng yolanda😅yun isang umaga bigla siya nag yaya sa municipal di sinasabi kung ano gagawin tapos pgdating dun kumuha kami senomar and unang plan is civil wedding pero paglabas namin ng municipa dumiretso sa patahian agad2😅church wedding nalang daw bilis mag desisyon hehe 2months preparation.simple church wedding pero sobrang saya at memorable 🥰🥰😘
Kami ng asawa ko, kinasal kami sa kasalang bayan. Sponsored ng aming Mayor dito sa Bato Catanduanes noong taong 2014. Naging praktikal po kami kasi walang wala po kami talaga noon. Kaya thankful kami sa aming butihing Mayor noon kasi sinagot ng Munisipyo ang reception at sa Simbahan pa kami kinasal. Sobrang saya kasi more than 20 couples kami. The more, The merrier😍😍
We got married in Caleruega in Nasugbu, Batangas last August 2020 - from 150 pax to 10 pax matuloy lang. We only started planning July when Caleruega asked us kung gusto namin ituloy despite the restriction in terms of guests and naisip namin ipush na since we've been waiting for a while na rin. Awa ng Diyos, naitawid naman ng maayos. 😊
2014. church wedding, relatives namin mga abay 🥰 sa bahay lang namin yung naging reception namin. mahal kasi pag sa events venue hehe. tas lutong bahay lang din. simple lang pero happy at memorable...
Pag natuloy na talaga yung plano naming kasal sa probinsya. Simbahan kung saan ako bininyagan then sa kanila yung reception. Yung naging plano dipa natutuloy pero wala pang nababago sa plano na kahit ano.
Mas maganda talagang ikasal sa simbahan dahil tinuturing na bahay ng Diyos. Pakasal nalang ulit after 10years, 25years, and 50years kahit saan na gusto. Happily Married for 7years. Church wedding.
ikinasal kami ni hubby sa San Roque Parochial Church Brgy. Ilasan, Tayabas, Quezon Province April 28, 2018 😁 Soon to be First time Mom #TeamDecember
Sa church. Pero sabi nila mas maganda daw kapag civil wedding eh. Anything will do as long as may ipon and nasa tamang tao na 😊❤️
Sa RTC civil wedding kami pero original plan is church h wedding, tsaka nlng pag wala ng pandemic, di kasi nakapunta both parents ko.