True Ba To?
Sa umpisa lang ba talaga sweet ang mga lalake?


Depende kung may iba na. Charot 😂 Hindi naman lahat, 11 years na kameng in a relationship pero sweet parin naman siya sa akin. For me para di ko mafeel na hindi na sya sweet sa akin eh hindi ako masyado nag eexpect ng mga bagay bagay sa kanya. Like nung Valentine's Day wala syang binigay na kahit ano sa akin, biniro ko pa sya na kahit batiin lang nya ako, binati naman ako. Pero nung Mother's Day nag ipon sya para maidate ako sa milkteahan malapit sa amin with 250 pesos budget para sa milk tea, burger and fries na good for 2. Iappreciate lahat ng efforts nya kahit sobrang liit pa. Inaassess ko din sarili ko kasi baka hindi din naman ako sweet sa kanya. And lastly communication is the key, nag oopen ako sa kanya, madalas kung sabihin sa kanya kapag miss ko na sya yung ganito "Miss na kita kabonding, kape naman tayo" with sweet music. Favorite kasi namin yung Still the One na kanta. Hahaha.
Magbasa pa


