Sa panahon ngayon, what's the ideal number of children per family?

1 to 3 Pag wala kayong naiipon kasi saktuhan lang sa panggastos niyo ang kita. Tama na ang isang anak para mabubuhay parin kayo ng komportable at mabibigay ang mga gusto ng anak, kawawa kasi ang bata kung kada magpapabili ng gamit e lagi ang sagot ng magulang "walang pera". Magandang turuan ang bata magtipid pero di naman sa punto na kaya nagtitipid kasi walang wala nang pang gastos. Wag niyong isipin na kawawa ang bata pag 1 lang siya at walang kapatid, kawawa ang buing pamilya kung madami ngang anak wala naman makain at naghihirap. Nasasabi ko ito kasi nag iisang anak ako, lumaki akong independent at kaya ko ang sarili ko sa mga problema matatag ako di basta basta bibigay. Turuan ang bata na wag maging pala asa para paglaki niya hindi siya kawawa
Magbasa pa


