Sa panahon bang ito dapat ba laging masusunod ang mga" lalaki" sa isang relasyon ? Or dapat bang pantay lang ?
Troubled din ako dito. Ako lagi(feeling ko) ang laging nag aadjust. Gusto kong e compromise. To meet halfway. Malaman ang side ng partner ko. Ang siste?Ayaw naman pakinggan ang explanation ko. But pag nakausap ng partner ko ang friends niya, saka usually bumabalik sa akin at mag aadvice na eto ang gagawin.. (when yun mismo ang actually sinasabi kong gawin) Feeling ko. Hindi ako marunkng mag explain. π ANYWAY Ang response ko sa post mo maam ay eto. Hindi dapat na lalake mag decide sa lahat. May instinct din na man kayo na mas better sa views ng isang lalake. Sharing of ideas. Both sides. Saka mag compromise kung ano ang better decision. Sa panahon ngayon. Tingin ko mas gusto namin husband na magkaroon din ng character of pride ang partner namin. Thanks -Husband perspective
Magbasa paPara sa akin dapat pantay lang. Kaya nga nagsanib ang magasawa sa bisa ng kasal o "union" para isang boses lang sila. Ang decision dapat ay mutual hindi one-sided. Applicable yan dapat sa lahat ng aspeto, whether financial, sa mga anak, sa pamamahay.
Samin po pantay lang. May mga times na ako po hinahayaan magdecide ni hubby at may mga times naman po na sya hinahayaan ko magdecide. Pero madalas po pinaguusapan tlga namin lalo na kapag about sa anak namin. Give and take lang po mommy π
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-14328)
Sa decision making naniniwala po akong lalaki ang maglelead..pro karapatan dn ng asawang babae n magsuggest ng maganda para sa family..Ang mahalaga sa huli nagkakasundo kau and nagpapasubmit ang babae sa husbandπ
Sa magasawa, dapat magcompromise lagi. Hindi dapat isipin yung kung sino ang dapat masunod. Each has his and her own strengths and weaknesses so dapat yun ang iconsider when making decisions.
Pantay lng dapat, kc ang mga lalaki feeling ko minsan drastic magdecide. Kaya pag hubby ko may naiisip na gawin na hnd nag consult sa akin, kinokonsensya ko. Ayun bago na isip nya haha.
Equal dapat. The power of agreement in a marriage will go a long way. Hindi pwedeng si hubby lang ang may gusto kasi the wife won't be able to do her role to support him 100%.
Dapat bago mag bitaw ng decision ay pareho munag pinag-sang ayunan ng mag-asawa para walang sisihan pag sumablay. Mutual decision po ang susi sa mapayapang pag-aasawa.
Samin si hubby mostly nagdedecide since malaki age gap namin kaya mas experienced na sya sa buhay. Pero lagi pa rin namin pinag uusapan at hinihingi nya opinion ko.