No kasambahay or kamag anak

Sa mga mii na wala pong kasambahay or kamag anak na katulong mag alaga sa babies nyo on the early months, pano nyo po kinaya? Share naman po ng diskarte. Will go back to work (from home) na kasi soon and baka kami na lang ni husband. Kasama namin mom ko ngayon pero syempre hindi long term ang ganitong set up. Hirap din kumuha ng mapagkakatiwalaang kasambahay these days. #firsttimemom #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako work from home ako until now, cs ako and after more than 3 months bumalik na ko sa wfh setup, maswerte ako noon kasi marami akong kapalitan sa bahay at katuwang on the early months ng pag aalaga kay baby, nagbbreastfeed din ako, mahirap sya kasi di ako makakilos ng maayos kaya swerte ko at may katulong talaga ko, nung mag 6 months na si baby at magaling na rin ang tahi ko bumalik na kami ng ncr sa sarili nming bahay kming 3 nlang ngayon ng baby at husband ko dito.. Sa province kasi ako tumira nung nanganak ako, good decision un para sakin kc kung dito sa maynila walang magbabantay sakin. Pero ngayon na malaki na si baby kahit nasa wfh setup ako nakakayanan ko naman na alagaan sya mag isa kahit na may trabaho ako

Magbasa pa