No kasambahay or kamag anak

Sa mga mii na wala pong kasambahay or kamag anak na katulong mag alaga sa babies nyo on the early months, pano nyo po kinaya? Share naman po ng diskarte. Will go back to work (from home) na kasi soon and baka kami na lang ni husband. Kasama namin mom ko ngayon pero syempre hindi long term ang ganitong set up. Hirap din kumuha ng mapagkakatiwalaang kasambahay these days. #firsttimemom #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mag isa rin po ako nag alaga kay baby for 4months, walang ibang katulong at wala ang partner, nasa training at no cellphone allowed kaya abot abot ang hirap at depression na inabot ko. pero ito po mga natutunan ko, 1. sleep when baby sleeps. wag isipin ang kalat, it can wait. 2. nag try ako cloth diaper para makatipid. totoong tipid pero kapalit ay dagdag pagod at intindihin sa pagkukusot kaya tinigil ko. mag stock ng disposable kung afford naman, wag na manghinayang. 3. mag set ng araw na isisingit mo ang paglilinis ng bahay at pagligo ng matiwasay. example, every sunday ang general cleaning. rest of the week, magpahinga hanggat kaya. 4. makisali sa usapin dito sa Asianparent. malaking tulong sakin to kasi wala ako nakakausap. kaya every night kapag tulog na si baby at may konting lakas pa, sumisilip ako sa mga topics dito at ako rin mismo nagshshare ng mga experience ko para mabawasan lungkot ko. 5. I used to pump para mag stock ng breast milk pero tinigil ko rin since full time mom na ko at bihira naman kung aalis man ako ng bahay na maiiwan si baby. nakakadagdag pagod kasi, e kaya naman na diretso latch na sya sa akin. bawas hugasin pa ng bote at pump parts. 6. mag set ka ng daily routine nyo ni baby. 7. bili ka ng whiteboard. kapag may naiisip ka na need nyo nang stock or may kailangan kang maalala ulit, or need ilista oras ng vitamins ni baby, madali na lang. ipaskil nyo whiteboard sa makikita agad. gamit na gamit sakin whiteboard dahil makakalimutin ako. so kapag may naisip ako, sulat agad. 8. Wag na wag sasabayan ng galit/inis/pagod ang iyak/lambing ni baby. kahit mahirap. 9. Hug and say I love you to your baby daily. magugulat ka na lang bawat araw na lumilipas ang laki na ng niyayakap mo. 10. Wag mahiya humingi ng tulong kung may makakatulong. sulitin kung may bisita. gawin mga kayang gawin habang nililibang nila si baby. parang karami pa pero sana makatulong po ang mga ito. gawin kung ano ang sa tingin nyo ay makakapag padali ng buhay nyo. Good luck po. 🫂

Magbasa pa