No kasambahay or kamag anak

Sa mga mii na wala pong kasambahay or kamag anak na katulong mag alaga sa babies nyo on the early months, pano nyo po kinaya? Share naman po ng diskarte. Will go back to work (from home) na kasi soon and baka kami na lang ni husband. Kasama namin mom ko ngayon pero syempre hindi long term ang ganitong set up. Hirap din kumuha ng mapagkakatiwalaang kasambahay these days. #firsttimemom #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung manganak ako, nag leave si mother for 1week, sya nag aasikaso kay baby dahil FTM ako at dama ko pa yung sakit ng tahi, after 1week sinubukan ko kung kakayanin ko, kaso hindi pa talaga at pinag leave ko si hubby for 5days para may katuwang ako sa pag asikaso kay lo. sya nagluto, palengke,linis at laba ng damit namin, habang ako naka focus kay lo. wala din nman kc aq aasahan kay tatay dahil di namn sya maalam sa pag aalaga sa bata. after ng leave ni hubby, grabe na yung lahat ng pagod ko, dama ko na yung stress, naiyak nako pag sobra iyak ni lo, di ko rin nagawa yung pag tulog si lo dapat tulog kadin, dahil sobrang dami dapat ayusin. pero habang dumadagdag ang buwan ni lo, nagagawa ko ng mag time management. GRABE yung experience pero worth it naman. makakayanan mo din yan mamshi. tiwala lang.

Magbasa pa