Sa mga CS moms, ilang araw bago kayo nakatayo?

Sa mga CS moms, ilang araw bago kayo nakatayo at nakalakad. 1 day palang ako pero di ko talaga kaya yung sakit 😭 Any tips po

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kakayanin mo yan mommy! I'm a cs mom po. Sa una lang po masakit dulot ng sariwa pa lahat ng stitches sa atin both internal and external after mawala yung anesthesia sa katawan. Kailangan ding makatayo agad as per OB's advice 24 hrs. dapat nakatayo na, nakalakad papuntang cr para umutot at tumae. Dito malalaman kung okay na yung kalamnan natin after mjr. operation at release kana sa strict diet pag nagawa mo lahat yan. Advice ko lang mi, bago ka lumabas ng hosp. need mo mag binder para makakilos ka ng maayos kasi mahirap pag walang binder. Bibigyan ka naman ng reseta for pain & other meds. Pagtatayo ka dahan dahan lang, huwag pwersahin ang katawan. Alalay palagi. Kailangan mo din ng assistance hanggang sa bahay pag-uwi mo po iwasan ang hagdan na akyat panaog po. Nakakatagtag po ang hagdan at pagkikilos-kilos. Magpahinga lang po kayo para mabilis ang pag galing. (Disclaimer lang po..kasi iba-iba naman po yung timeline ng ating pag galing at di po pare-pareho ang ating katawan makapag recover) Sa akin po nawala yang crucial pain exactly 2 weeks. 2 weeks kaya ko na lahat except buhat, bawal po sa atin yun. 3 months is the total recovery ng cs as per my OB.

Magbasa pa