βœ•

30 Replies

Kakayanin mo yan mommy! I'm a cs mom po. Sa una lang po masakit dulot ng sariwa pa lahat ng stitches sa atin both internal and external after mawala yung anesthesia sa katawan. Kailangan ding makatayo agad as per OB's advice 24 hrs. dapat nakatayo na, nakalakad papuntang cr para umutot at tumae. Dito malalaman kung okay na yung kalamnan natin after mjr. operation at release kana sa strict diet pag nagawa mo lahat yan. Advice ko lang mi, bago ka lumabas ng hosp. need mo mag binder para makakilos ka ng maayos kasi mahirap pag walang binder. Bibigyan ka naman ng reseta for pain & other meds. Pagtatayo ka dahan dahan lang, huwag pwersahin ang katawan. Alalay palagi. Kailangan mo din ng assistance hanggang sa bahay pag-uwi mo po iwasan ang hagdan na akyat panaog po. Nakakatagtag po ang hagdan at pagkikilos-kilos. Magpahinga lang po kayo para mabilis ang pag galing. (Disclaimer lang po..kasi iba-iba naman po yung timeline ng ating pag galing at di po pare-pareho ang ating katawan makapag recover) Sa akin po nawala yang crucial pain exactly 2 weeks. 2 weeks kaya ko na lahat except buhat, bawal po sa atin yun. 3 months is the total recovery ng cs as per my OB.

Hi! Pagkalabas ko delivery room, sabi NG nurses sken, mag side side ako.. Sa una, ang hirap at ang sakit.. But kalaunan nung dalhin na si lo sken syempre kapilitan na kailangan mag side, nagawa ko sya without help ni hubby.. Mainam kasi maigalaw galaw paunti unti mamsh, at pag nag lakad ka, mas laloπŸ˜… I suggest na mag binder ka mamsh, para D mabinat ung tahi, kasi super duper sakit talaga, D mo ma-straight katawan mo pag lalakad ka na, kasi kailangan mong tumayo lalo na pag dka pa nakaka poop, para bumalik sa pwesto ung bitu-bituka mo. Sabi lang un NG friend ko na doctor na nagpa anak sken😊 bat sken naman po, kinabukasan keri ko na lumakad, at kumilos.. Pumunta cr mag isa, magkawkaw😊 malakas lang siguro pain tolerance ko mamsh.

pag natanggal na po catheter pwede na po mag try tumayo pero sa OB ko po pinaupo po muna nila ako para di mabigla then dahan dahan tumayo..kapag medyo kaya na pong i balance sa unang tayo pwede na po mag lakad lakad pero dahan dahan po muna mommy para dika mabigla.mas maganda rin po na may aalalay sayo kapag tatayo ka πŸ₯°

sakin sis kinabukasan, tumayo na ko, inadvise din kasi ko ng OB ko na need ko na tumayo at gumalaw at maglakad para daw di magdidikit dikit mga bituka ko at para mas mabilis sila bumalik sa dati nilang pwesto. I must admit na sobrang hirap at sakit lalo na CS pero nagpatulong ako kay hubby para mas makakilos ako unti unti

Day 2 inallow nako tumayo after niremove ang catheter and IV. super sakit talaga parang feeling sinuntok ng ilang beses ang puson na parang may sangkatutak na pasa. unti unting magiging ok din po yan. sa experience ko 1st 3 days ang malala, pero after 1 week better na. tiis lng po. pwede din cold compress sa area.

6.55 pm po ako na CS , kinaumagahan ng bandang 7 am tumayo na ako , hirap sa umpisa kasi sobrang sakit pero kelangan para umayos ang tyan..ilakad lakas mo mii ng kahit 5 steps pabalik balik hangggang sa maimmune ka sa sakit.. kaya yan mii, paside ka lang po lagi kung tumayo with assistance po ni hubby.

Ako po same day ng nanganak ako (mdaling araw po kc ako nanganak) and nung tinanggal yung catheter. Masakit po momsh pero sabi ng ob ko pra dw msanay n ako, kht hindi ko mbend tuhod ko nkarating ako sa cr with assistance ng hubby ko. Okay nman momsh, ttiisin mo lng tlaga pra maasikaso mo n dn c baby mo.

same skit ng pagalis ng catheter struggle papunta cr khit akay aq n hubby prng sapo q p dn pwet at puson q.

after tanggalin ang catheter, tumatayo nako to go to the bathroom. ang masakit ay ang pagtayo kaya need talaga ng assistance to get up. pero once nakatayo na, ok na para maglakad dahan-dahan. you may ask your OB if possible for pain relief.

same agad agad pagkatanggal catheter. nakatayo at nakalakad na .

the day after the operation po.. may mga pain reliever naman po.. nasa isip lng po yung sakit..its all in the mind kung baga.. kung iisipin mo na masakit, masakit talaga.. pero pg hindi nmn , hindi rin.. binder lng po kayu pra hindi na aalog at nasasagi..

wala pa pong isang araw hehe need po gumalaw galaw para po makita kung ok ang mga organs natin after operation, para maka utot at makaihi dumi. para maka pag soft diet at makarecover unti untim the more kc na hindi ka kikilos mas mahihirapan ka magrecover

Masakit kasi literal parang hinatid sa dalawa ung katawan mo. Pero ang naging motivation ko non, makalabas na kami ng hospital at makauwi ng baby ko. Pandemic kasi yun kaya takot ako baka mahawaan kami ng Covid ni baby 😊😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles