Totoo po ba yung Binat?

Sa 1st baby ko after ko manganak po naligo ako agad. Naka apartment po kasi kami ni hubby nun so walang in-laws or parents na kasama. This 2nd pregnancy ko po, just wondering po kung pwede na maligo agad and kung totoo po yung binat na sinasabi? Or kung sa probinsya lang namin to pinaniniwalaan. Salamat po sa sasagot. ☺️

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Actually ang binat po is hindi sa paliligo nakukuha mii. Ang binat is nakukuha sa stress at sa hindi sapat na pagkain. And mostly,sa pagkilos kilos sa bahay na hindi mo pa dapat ginagawa.Ako mii,nanganak ako ng 5am, naligo agad ako ng 9 am at the same day. 4 na beses na ako nanganak,hindi pa naman ako nabibinat. 2x pa nga ako maligo kasi sobrang init at pawisin ako,baka madede ni baby,kawawa naman. So Hindi po totoo na ang binat ay sa paliligo nakukuha. Kung hindi ka po maliligo baka dun ka pa lalo magkasakit kase di nalilinis sugat at pepe mo sa panganganak.

Magbasa pa

ako po naniniwala n lng sa mga nkakatanda wla nmn mwwla kc png ilan ko na ung nsa tyan ko at oo nabibinat ako kya sinusunod ko nlng mga pamahiin nila kc tyo din nmn mapabuti ngcause pa ung binat saken ng ppd and anxiety panic attack disorder taon ako nag gamutan ngpapsychiatrist ako nun kc lumala binat ko gumaling nmn ako ngaun buntis ako ulit iingatan ko n srli ko after birth dhil mhrap mabinat nakakamatay nakakabaliw sbyn p ng ppd ayoko n mag gamutan ulit sa anxiety panic attack disorder ko 😔

Magbasa pa

hindi naman po yata sa ligo nabibinat. ung pinsan ko nabinat kc 1 week lang yata nagpahinga tapos naglalaba na, naghuhugas pinggan ung mga usual gawaing bahay. nagkavertigo sya tapos un hindi makamulat sa liwanag kahit sa cp lang. palaging hilo akala mo sobrang lasing talaga, tapos nabibingi. tumagal din ung ng mga ilang weeks bago sya gumaling, akala namin mabubulag ng tuloy.

Magbasa pa

totoo po ung binat pero sa pagligo po hindi. sa ibang hospital po pinapaligo na agad after manganak tsaka mas nakakaginhawa po. nung nanganak ako nagtiis ako 15days di naligo kasi un nga naniwala ko sa sabi sabi. ang nakakabinat po is nagpapalipas ng gutom, sobrang sakit ng ulo ko po pag nagugutuman ako.

Magbasa pa

Di ko sure sa CAse mo mi. Pero ako naligo ako agad nung kinabukasan pag pgka discharge ko sa ospital. With pinakuluan na dahon ng bayabas in between my legs while standing. Then naligo nako. I just make sure na ung nliligo ko eh lukewarm water. Para di pausukan lamig.

bumababa kasi Immune System ng bagong panganak kaya madami nararamdaman at madali magkasakit. I think yun ang tinatawag ng mga matatanda na binat.. kaya palakasin mo sarili mo kumain ng maayos mag vitamins at kung may chance magpahinga para lumakas ang pangangatawan

Yes mhie. Nabinat po ako nu g 6 months ang baby ko. Nagpacheck ako sa OB ko ang sabi nya hindi totoo ang binat kaya binigyan nya lang ako ng meds pero no effect. Pinahilot ako ng lola ko sa traditional na komadrona, agad agad akong gumaling

Lahat nang hospital pinapaligo yung mga mommies pagkatapos manganak, nanganak ako sa 2nd ko naligo ako kinabukasan sa hospital mismo, nabinat lang ako nung 1mo. palang baby ko kase dami ko na ginagawa sa bahay at inaasikaso.

ung OB ko.naniniwala sa binat .tamang pahinga enough food at sleep..at dapat huwag magpakapagod..nangyar8 sakin ito sakit ng ulo ko sa.puyat..nag pahilot.ako nawala. po..

nagkakaroon ka ng binat kapag nagpapagutom ka wag ka magpapaniwala sa bawal pa muna maligo, kailangan mo maligo dahil magaalaga ka ng sanggol