Maternal Milk

Required ba uminom ng maternal milk? Sabi kasi ni OB kung ayaw maging retarded si baby need uminom, kung wala pambili gawan paraan#advicepls

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe naman si Ob mapanakit😅 paano kung nagkadisorder ang baby na dahil sa genes tapos sisisihin ng nanay ang sarili madedepress dahil akalain niya kasalanan niya di kasi siya nag maternal milk.. Totoo naman nutritious ang Maternal Milk kumpara sa ibang milk kasi yan nakafocus talaga at ginawa para sa mga buntis.. check the labels at ikumpara sa ibang gatas pero hindi yan required.. Choice lang yan kung gusto ng nanay ng added nutrition sakanya bilang buntis. Sapat na ang complete nutrition nakakuha sa pagkain at prenatal vitamins.. Anyway madami naman ibang OB lipat ka nalang kung tingin mo ang nega niya.. At ang totoo ng degrade siya ng ibang nanay na may anak na may disorder makatawag naman siya retarded🤦‍♀️

Magbasa pa

Not true po. Kasi yung OB ko hindi nagpapamaternal milk. Then sabi nya any milk will do naman daw sabi ng OB ko like fresh milk, fortified milk, low fat, non fat, wag lang yung unpasteurized. Tsaka as long as di ka lactose intolerance pwede ka magmilk tas kahit ano. Kung may budget ka wala din naman problem kung mag mamaternal milk ka pero hindi po sya required. Nasa preference nyo po if magmimilk kayo. But me, hindi na ako nagmaternal milk kasi madalas ako makaramdam ng acid reflux at nagsusuka sa gatas. May vitamins naman irereseta ang OB lalo na pagpasok ng 2nd Tri like mga calcium supplement na and other vitamins other than folic acid which is sapat na para sa needs ni baby para maging healthy sya.

Magbasa pa

Di po mii ahh, over naman🤣 kamusta naman ako na may lactose intolerance na pinilit uminom nung maternal milk ang ending nag suka tae ako at na dehydrate nasugod sa hospital nung nasa 8wks palang pinagbubuntis ko. Ang sabi saken sa hospital wag pilitin,kaya ang alternative nung gatas is calcium para kay baby nalang daw tapos buti nalang mahilig sa gulay etong baby ko kada kain kailangan may gulay and thanks god 4months na kami ngayun at napaka active na sa tummy ko,nangangarate na even yong mga doctor natutuwa sa 4 months napakalikot ni baby with good cardiac 😇😇 Kaya mii wag mo pilitin mag maternal milk.

Magbasa pa

Okay lang po na hindi uminom ng maternal milk kung may sapat na pre-natal vitamins naman po na nireseta si OB.. 😊 Tulad po sa 'kin, hindi advised ng OB ko na uminom ako ng gatas..kaya may other option sya na binigay sa 'kin.. Pag mataas po kasi ang fbs ng preggy (o kaya malapit na lumampas sa limit ung fbs) or diabetic sya, hindi po talaga inaadvise ng OB na uminom ng gatas.. Tanong mo na lang po mamsh sa OB mo kung may other option na pwede para s'yo 😊

Magbasa pa

Hindi naman sapilitan ang maternal milk kahit bbrand lang oks na lalo na kung medyo budgetarian tayo sis. pero mas better parin na drink maternal milk kung keri naman start ng 5weeks preggy ako fan na ako ng enafamama choco. hindi naman ako nabigo. kasi alam ko need talaga ng katawan ko dahil payat ako sobrang payat. now 13weeks nako nag gained ako almost 4kilos and kahit payat ako and walang gana kumain yung baby ko sobrang likod sa tyan pag ultrasound na😅

Magbasa pa
TapFluencer

Sinong OB magsasabi ng ganyan. Grabe naman po siya manakot 😅 Una sa lahat, hindi required ang maternal milk basta you're getting the vitamins and minerals you need from your prescription and food. Kaya hindi lahat ng OB nagsasabi na uminom ng milk during pregnancy. My mom did not drink maternal milk nung pinagbubuntis niya ko, di naman ako retarded 😅

Magbasa pa
3y ago

kadalasan ang mga buntis noon hindi naman USO ang mga maternal milk mga healthy naman mga baby Iwan ko ba ngayon bat kailangan natin bumili ng maternal milk

Retarded? Doctor ba yan talaga? Magpalit ka ng ob! Ang totoong doctor hindi magsasabi ng ganyan. Doctor quack quack yan. Palit ka ng doctor! Kung sakin sinabi yan makakatikim yang doctor na yan sakin ng masakit na salita. Unang una, wala sa iniinom ang pagkakaron ng special needs ng mga bata. Hayop yan, maka retarded! Nakaka init ng ulo! Ob reveal nga! Para hindi na mapuntahan yan ng iba!

Magbasa pa
3y ago

ilang weeks na tuloy ang pag overthink ko kasi wala pa talaga pambili

Maternal Milk is good for you and your baby☺️ Change ob ka, harsh masyado ung ob mo. Choice mo naman kung mag mamaternal milk ka o hindi. May benefits lang sayo and kay baby if iinom ka. Pero di porket di ka umiinom ng maternal milk is magiging retarded na si baby. Nanay ko nga nung pinagbubuntis daw ako mahilig sya sa kape, retarded ba ko? hahaha siraulo yang ob mo. jk

Magbasa pa

kung may tinitake ka nmn na vitamins for calcium at folic acid sis khit hindi nmn uminom ng maternal milk, at kung masustansya nmn cguro kinakain mo, maharlika kc ang maternal.milk kya mas ok pa ibili mo na lng ng mga vitamins at masustasyang food.. hirap din kc iinom ka maternal milk tpos isusuka mo lang kung hindi bet ng panlasa mo..

Magbasa pa

hala retarded agad? grabe naman yun. ung ob ko nga tinanung ako nung 6wks palang ako kung anu iniinom ko gatas sbi ko bear brand lang kc dko pa alam n buntis na pla ko. sbi nya pwde naman dw bear brand kaya lang iba pdin daw kase ung sustansya na makukuha sa maternal milk lalo sa pagbuild ng ktwan ng gatas for breastfeed.

Magbasa pa