Saan kayo nagkakilala ng asawa mo?

Reply with emojis!

Saan kayo nagkakilala ng asawa mo?
1984 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa trabaho. Tas nung nagresign sya nabuntis ako🙁 Kaya pinagresign nia ako din saka kami nag apply sa ibang company para magkasama pa din kami sa work

May ari sila ng computer shop, nililigawan ako nung bantay kaso walang sariling phone kaya ginamit phone nya para makitext hanggang kaming dalawa na naging magtextmate 😂

Yung pamangkin ko tas tita Niya magjowa hahahha tas sinamahan ko ung pamangkin ko gumala . nameet ko siya pero dedma Lang hanggang nagbiruan

kapitbahay😅😅pero bihira q lng sya nakikita kc sa mandaluyong work nya 😍😍😍8years na kami magkarelasyon 2years merried... still in love padin 😁😁😍😍😍😍

dahil uso noon ang pag "plug" ng number para makahanap ng text mate, plinug ng kaibigan ko 'yung number ko sakaniya nang sapilitan hahaha

Nagkabanggaan sa gilid ng school ko dati (2nd yr HS pa lang ako nun ) sya nag work na that time ☺️.Eh pinsan pala sya ng classmate ko kaya ayun 🥰

VIP Member

Highschool sweet hearts kami 😍 Walang iwanan kahit magkaibang school nung college. Kaya naniniwala ako, kapag kayo, kayo talaga 💕

sa facebook inadd ako tapos agad ako chinat that time dipa niya ako nililigawan pero unang meet namin sa simbahan, ngayon partner ko na

Actually Sa Daan Lang Kasi Nung Time Nun Pauwi Ako Galing Work. Tapos Tinawag Akong Blondie Haha Nun Kasi May Kulay Ang Buhok Kaya Ayun😂😂

Inadd nya ako sa FB (2018), so don ko sya nakilala. Pero sabi nya, schoolmate ko sya nung HS, at crush nya raw ako nun (2008). Kinulit nya akong lumabas kami, so yun.🥰