Palabas lang po ng sama ng loob

Render na lang kasi ako sa company, last day ko is aug2 which is 2 days n lang. Tapos nitong araw na to pinilit ko pumasok kahit sobrang sakit ng tyan ko tsaka nagsusuka at nagtatae. Pagpunta ko ng clinic pinasent to ER nila ako. Sinamahan ako ng visor namin sa hospital, nakuhanan ng dugo, ihi, tae tapos nadextrose. After nun nabigyan ako ng medcert tapos bedrest ng 2 days. Which is pati last day ko nasagasaan na. Pinilit ko ulit dumaan sa ofc para ibigay na agad yung medcert kahit namimilipit na ako sa sakit since malapit naman sa bahay ung ofc ko. Parang nainis yung visor namin sa mismong team kasi aabsentan ko pa daw sya sa last 2 days ko. Grabe naman, diko naman to sinadya. Nakita naman din nila itsura ko kanina, an putla ko na nga daw sabi ng ofcmates ko tapos ganun pa. Ginusto ko ba to, di na nga tolerable yung sakit eh. Nakayuko na ako maglakad tapos pag sinumpong parang ako mawawalan ng hininga. Tsaka alam naman nila performance ko, never ako naabsent ng walang dahilan, never nalate tapos ganito pa rin maririnig mo sa kanila. Ano yun kahit na halos mamatay matay kana dapat gumapang pa rin papasok??

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May mga ganyang superior. Hindi iniisip tao nila. Buti na nga lang di ka na tatagal don. Hindi ka para don.

6y ago

Ang mahirap po almost 3yrs ako sa company, buti sana kung pasaway akong empleyado pero hindi eh. Pinipilit ko nga pumasok kahit may sakit, nataon lang na diko na kaya itorelate. Kagabi pa kasi pero pinilit ko din pumasok pa rin para wla masabi sila. Pero since diko natapos yung day kasi napasent home ako plus bedrest pa, ayan pati manager may nasabi di lang si visor