Palabas lang po ng sama ng loob

Render na lang kasi ako sa company, last day ko is aug2 which is 2 days n lang. Tapos nitong araw na to pinilit ko pumasok kahit sobrang sakit ng tyan ko tsaka nagsusuka at nagtatae. Pagpunta ko ng clinic pinasent to ER nila ako. Sinamahan ako ng visor namin sa hospital, nakuhanan ng dugo, ihi, tae tapos nadextrose. After nun nabigyan ako ng medcert tapos bedrest ng 2 days. Which is pati last day ko nasagasaan na. Pinilit ko ulit dumaan sa ofc para ibigay na agad yung medcert kahit namimilipit na ako sa sakit since malapit naman sa bahay ung ofc ko. Parang nainis yung visor namin sa mismong team kasi aabsentan ko pa daw sya sa last 2 days ko. Grabe naman, diko naman to sinadya. Nakita naman din nila itsura ko kanina, an putla ko na nga daw sabi ng ofcmates ko tapos ganun pa. Ginusto ko ba to, di na nga tolerable yung sakit eh. Nakayuko na ako maglakad tapos pag sinumpong parang ako mawawalan ng hininga. Tsaka alam naman nila performance ko, never ako naabsent ng walang dahilan, never nalate tapos ganito pa rin maririnig mo sa kanila. Ano yun kahit na halos mamatay matay kana dapat gumapang pa rin papasok??

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Buti nlng nag resign ka. May mga ganyan talagang tao. Selfish, stats lang nila iniisip nila. Pahinga ka sis. Ako nag resign Din sa work.

6y ago

Salamat po. Sakit lang isipin na mag 3yrs na ko sa company without giving them headache. Diko deserve yang ganyang trato nila. Kasi very dedicated ako sa work ko.

Nako mamsh pakisabi sa epal mong bisor, pag may mangyari sa inyo ng baby mo konsensya nya yun. Kasuhan mo! Ang g@g0 nya kamo

6y ago

Hindi po ako buntis pero kakapanganak ko lang po nitong taon na to. Parang ang hirap lang isipin almost 3 yrs ako sa company never ko sila nabigyan ng sakit sa ulo pero etong emergency ganyan sasabihin. D talaga ako nagsisi na nagresign

VIP Member

. . may mga tao talaga na sarili lng nila ang iniisip..pano kaya kung xa naman nasa position mo.. Hay naku...

Buti nalang umalis ka na. Walang kwentang visor yun di sya dapat visor piste hahahaha. Pahinga ka lang mamsh. 😘

6y ago

Ni di man lang nagtanong kung ok na ba ako. Unang bungad nya saken ganun sabi. Alagaan ko nalang si baby tsaka para maiwas ang katoxican ng company na yan. Salamat po

May mga ganyang superior. Hindi iniisip tao nila. Buti na nga lang di ka na tatagal don. Hindi ka para don.

6y ago

Ang mahirap po almost 3yrs ako sa company, buti sana kung pasaway akong empleyado pero hindi eh. Pinipilit ko nga pumasok kahit may sakit, nataon lang na diko na kaya itorelate. Kagabi pa kasi pero pinilit ko din pumasok pa rin para wla masabi sila. Pero since diko natapos yung day kasi napasent home ako plus bedrest pa, ayan pati manager may nasabi di lang si visor

Buti lang na nagresign ka kung ganyan na hindi marunong makaintindi mga boss.

Sa bpo company ka ba momsh?

6y ago

Opo

Your health is much more important. Wala naman silang magagawa kung yun yung request ng doctor sayo eh. Good thing na din na umalis ka na sa company na un. A good company kasi will. take in consideration the health of there employees